nuffnang

Saturday, December 31, 2011

Salamat Lord

Marami akong dapat ipagpasalamat sa taong 2011, ito ay ang mga sumusunod:

  • Dahil walang nagkakasakit sa pamilya ko at mas lalong matatag ang aming pagsasama kahit watak watak kami.
  • Natapos na ang therapy ko noong February at wala na akong tililing sa utak. Kay may ok sa doctor ko na lumipad na ako sa bayan ni Merli at hanapin ang aking kapalaran.
  • Nakipagsapalaran ako ako dito Singapura nng buwan ng Abril at sa buwan ng Mayo nagkaroon ako agad ng una kong trabaho.
  • Sa pagpunta ko dito sa Singapura nagpapasalamat din ako sa mga bago kong kaibigan, na minsan sila ang natatakbuhan ko sa lungkot at saya. Maraming salamat sa inyo. :)
  • Buwan ng Hulyo buwan ng Birthday ko nakatanggap ako ng mabuti balita na ako ay natanggap sa trabaho mas higit na mas maganda sa nauna. Laking pasalamat ko uli at naaprubahan ang pass ko sa bagong trabaho. At buwan na ng Agosto ako nagsimula sa kanila.
  • Natupad ko na din ang pangarap ko na makapag-enroll ng Master's Degree kahit ito ay via Distance learning program.
  • Sa mga biyayang laging dumadating sa aming pamilya araw-araw, maraming-maraming salamat po.
  • Sa bawat pag gabay sa mga suliranin na dumating sa amin dahil pinanatili nyo pong matatag kami.
Sa darating na taong 2012 nawa po'y bigyan nyo pa rin po kami ng sapat na biyaya araw-araw at ilayo sa anumang uri ng sakit o karamdaman. Maraming maraming salamat po sa mga darating pa! :)

Saturday, December 24, 2011

Maligayang Kaarawan

Unang Pasko ko dito sa Bayan ni Merli at tinamaan ng magaling may bulutong din ako.

Oo tama ang nabasa mo oo ikaw may bulutong ako pati ang tinatago kong makinis na parte ng aking katawan ay hindi nya pinalampas.

Dalawang gabi na lang makukumpleto ko na sana ang unang simbang gabi ko dito kaso hindi ko nagawa. Umaga pa lang ng huwebes na magpacheck-up at napag-alaman na bulots nga ang lumalabas sa makinis kong wankata. At lalo pa akong nahilo sa laki ng binayaran ko sa clinic para sa konsultasyon at mga gamot (sana lang na maireimburse ko sya). Ang mga lakad ko dapat ngayong kapaskuhan ay nawalang lahat. Quarantine mode ako ngayon dito sa kwarto namin.

Bagamat nangyari ito nagpapasalamat pa rin ako kay Jesus at Mama Mary na sila ang sentro ng pagdiriwang na ito na maraming salamat po sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nyo po sa akin at aking pamilya.

Jesus dinadalangin ko po na sana may mag sponsor sa akin ng Belo Skin treatment.hahaha...joke lang. Pano na po ang pangarap kong maging model ng combantrin at datu puti.lol

Happy Birthday Jesus!!! At maligayang Pasko sa inyong lahat na nakakabasa nito. Ikain nyo na lang ako at ako'y magtutulog hane. :)



Thursday, December 8, 2011

Maliit Man Mapasaya Ka Sana

Gusto ko lang ibahagi ang ilang nilalaman ng liham na natanggap namin galing sa aming tiyahin na kapatid ng nanay ko. Binasa ko ito sa pamamagitan ng aking telepono habang papasok sa opisina. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha ng kaunti habang binabasa ko ang liham.


Hi Pink & Saints,
Finally, I am getting around to that email that I had told you I would send. It’s been busy all around hence it took me this long to sit down & write it.
So here it is…
As you know I have been doing mission work since I was 20& for a time Gold also wanted to join as a missionary but Nanay told her,“one is enough!” And Gold, the good girl that she was, followed what Nanay said. God bless her!
Surely Nanay was the Lord’s way of telling Gold that He has other plans for her that is different from His plan for me.
Anyway, when she had it by her, she would hand me something for the mission, I believe unbeknownst to Santos. I think that was her way of continuing on, in her little way, to be part of a mission.
Your (including Annie’s) posts remind me so much of Gold& the times when we were together & they bring tear to my eyes. Not because I am sad, it’s just because I miss her, too. Even as I am writing this, I have to stop to dry off the tears as I could not see the monitor. Ha! That is just to wade off tears that would also,,,need I say that?
Well, one of the main reasons I was going to write you is to ask you to also think about helping the mission work that I am doing. I don’t know how you will take this, but just in case, you find it in your heart & in your budget to help, this is my proposal.
I have been ministering to the young cancer patients & their parents at the PGH since 1998 & every Christmas, I organize a Christmas party with them (thanks to the different sponsors who have been helping regularly ---now this is it…I am asking you to be one of my sponsors….ha ha…did you see that coming?)


Pagkatapos kong mabasa ang liham na to. Hindi na ako nagdalawang isip na magbigay para sa batang patuloy na nakikipaglaban sa sakit na kanser. Mahirap magkasakit ng kanser sapagkat napagdaanan din ng aming pamilya na mawalan ng minamahal dahil sa sakit na yun.

Ako mismo nakita ko kung gaano kapursigo ang aking tiya na  tulungan ang mga batang ito sa abot nga kanyang makakaya.  Nang makita ko sila noon hindi mo makikita sa mga mukha nila na may iniinda silang karamdaman.

Masarap ang pakiramdam na nakakatulong ka sa iba, kapamilya mo man o hindi. Minsan natutunan ko sa sa sarili ko na basta kaya kong tumulong sa iba ay ibibigay ko ang tulong mapa-pinansyal na aspeto man ito o hindi.

Tumulong ng bukal sa kalooban ng hindi humihingi ng kapalit at 'wag isumbat sa natulungan mo na may utang na loob sila sa iyo.

Sa pagtulong ko sa ilang mga bata sana magbigay ng ngiti sa kanilang mga labi ang kanila matatanggap. Kahit gaano man kahirap ang kanilang pinagdadaan alam kong hindi sila nawawalan ng tiwala at pananalig sa Maykapal.

Kung nais nyo din makatulong sa abot ng inyong makakaya,
You can refer them to the website – channelofhope.org – to see this particular ministry with young cancer patients,
Might you be interested, you can deposit the donations to:
Channel of Hope Foundation, Inc.
USD Account No. 8154-0066-06
BPI Bicutan Branch
Dona Soledad Ave., Better Living Subd.
Paranaque City
SWIFT: BOPIPHMM

Thursday, October 27, 2011

2011-82099

Finally nakapag-enroll na din. Wala lang nga ako sa campus pero ok lng at least matutupad ko na ang gusto kong magkaroon ng Master's degree.

Akala ko hindi ako matatanggap kasi hindi naman ako magaling gumawa ng essay sinigurado ko lang na 500 words lang contents at may isang 5 pa sa transcript ko.

Pero at least thankful pa din ako at natanggap.

Buhay estudyante will start next month.


Published with Blogger-droid v1.7.4

Sunday, October 23, 2011

Nang Mag-Bulakbol si Payat

Nang bumalik ako sa cebu para maglagalag at hindi para sa trabaho, talagang hindi ko pinalampas na hindi makapunta dito.



Masayang magbulakbol sa Pinas sa daming maaaring puntahan. Kaya kapag bumalik ako muli sa lupang sinilangan hindi maaring hindi ako magbulakbol.

Tuesday, October 11, 2011

Umagang Kay Sikip

Araw araw akong sumasakay sa yellow line ng mrt station dito sa bayan ni merli. Nang dumating ako sa platform ng Bishan interchage ito ang bumulaga sa akin ay ang larawang inyong nakikita.

Nakumpleto n ang linya ng nrt ng cirle line at pinasinayaan ang pagbubukas nito noong nakaraan na sabado.

Sana magawan agad ng paraan ng pamunuan ng smrt na sana dagdagan pa nila ang train nila na babyahe sa oras ng rush hour.
Published with Blogger-droid v1.7.4

Friday, October 7, 2011

Nagbabalik

Matagal-tagal na din pala akong hindi nagsusulat dito sa blog ko. Kinukulit na nga ako ng dalawa kong malapit na kaibigan at masugid na taga-subaybay na buhayin ko naman daw ang  natutulog kong puso este blog pala. Kaya heto naisipan ko na muling magsulat ng walang kakwentang kwentang bagay.

 
Halos 3 buwan na din simula nung magsimula ako sa bago kong trabaho dito sa bayan ni Merli. Dito sa nilipatan kong trabaho mas madaming tao at syempre madami ding pakikibagayan. Sa loob loob ko mas ok na yun kesa naman mapanisan ako ng laway.

Busy busyhan ang drama ko nung nagsimula ako sa trabaho ko. paBibo epek lang para naman malaman ng boss kong tumanggap sa akin na dedicated ako sa trabaho ko at hindi sya nagkamali ng sa pagkuha sa akin. Gusto kong maging permanent sa trabaho ko at kahit may topak ang nagtuturo sa akin sa trabaho.

Sa pananahimik ko din sa mundo ng blog madami din nangyari sa buhay ko at blessings na dumating.

Promote lang, excited na ako sa kris kringle ng mga PInoy-SG bloggers dito sa SG syempre. Binuhay ko ang blog ko baka hindi nila ako isali kasi matagal na nahimlay ang blog ko.hehehe…

Sa mga bumibisita sa blog ko, salamat. Sya nga pala wala ng part 2 yung instagram pics ko. ;)

Tuesday, July 26, 2011

Sa Likod ng mga Larawan Pt.1

Nakalimutan ko may blog nga pala ako. Medyo matagal bago nasundan dahil medyo busy sa mga bagay bagay sa buhay. (Feeling ko lang madami akong followers at nagbabasa...lol).


Gusto ko lang i-share ang bawat kwento sa likod ng larawang aking nai-post sa Instagram.








Ito ang unang attempt kong lutuin dito sa bayan ni Merli "buttered shirmp". Madali nmn syang lutuin at kahit papano tama naman at ang timpla ng luto ko at naubos ko naman.





Ito ang agahan ko bago ako magsimba ng alas-9 ng umaga sa St. Anthony. Dahil may kita-kita ang mga Pinoy SG Bloggers ng araw na yun kailangang magsimba at magpasalamat sa Poong Maykapal.





Creepy dito sa MRT station na ito kasi as in ako lang mag-isang naglalakad dito na parang hnd naman normal dito sa bayan ni merli lalo na sa ganitong uri ng lugar.






Nasa trabaho ako nito nag-aantay ng tawag kung natanggap ako sa balak kong lipatan na trabaho. Kasi isang linggo na ang nakalipas nung araw na ininterbyu nila ako. Nakakapraning ang mag-antay...


P.S. Umandar ang katamaran ko, kaya puputulin ko muna ang post na ito. Mamaya na lang uli para masaya at dumami naman ang post ko dito.hehehe...

Sunday, July 10, 2011

Salamat!!!

Kahapon ay ipinagdiwang ko ang aking kaarawan dito sa bayan ni merli. Akala ko hindi magiging masaya ang espesyal kong araw na yun sapagkat ito ang unang kaarawan ko na wala ako sa Pinas at hindi kapiling ang pamilya.

Sinadya kong hindi ipost ang birthday date ko sa FB upang mag-akalamanan na kung sino talaga ang nakakaalala ng kaarawan ko. (sensya na emo lang...LOL) It turns out naman na yung ini-expect kong bumati sa akin ay nakita ko ang post nila sa wall ko. :)

Salamat sa lahat ng nag-greet sa akin, sa Family ko, Sarapbuhay, high school friends,to my new friends Pinoy SG Bloggers at yung nasa pinas din na nai-greet ako sa twitter, AAP family at sa mga house mates ko na sinurprise ako nung dumating ako sa bahay. (nagtaka kayo walang college friend...oo walang bumati sa akin kahit...(may puot sa puso...lol)).

Ang birthday ko dito sa bayan ni Merli ay hindi makakalimutan.

Celebrated my birthday with a good friend of mine in Starbucks. Thanks sa chocolate cakes.

It's my another birthday cake from my house mates 


Saturday, June 25, 2011

Paramdam...

Kakwekwento ko lang sa mga kaibigan ko tungkol sayo noong Huwebes ng gabi, hindi ko inaasahang na sasagot ka sa tawag ng isip at puso ko. (wow may ganun...lol) 

Sabi ko pa naman hindi ako naniniwala sa long distance relationship kaya hindi ko tinuloy ang balak ko sayo noong nasa Pinas pa ako. Pero sa bawat sagot mo sa mga palitan ng mensahe kahapon sa FB, mukhang magbabago ang papanaw ko sa LDR thing na sinasabi.

Sa palitan namin ng mensahe kahapon nabanggit nya sa akin na nagbabalak din sya pumunta ng ibang bansa at nabanggit nya din na "madami pa syang priorities aside from lovelife." Ooopppsss nagcrack ang puso ko. :(  

Ang tanging sagot ko na lng ay "Ingat at maraming mag-aantay sau!hehehe." 

Pero ng sumagot ka Isa sa mga tumatak sa isip ko sa mga mensahe mo kahapon ay "bakit aantayin mo ba ako?(messages in between) malay mo tayo pala."

May mga ilang palitan pa ng mensahe ang naganap. Mukhang maganda naman ang pinatunguhan. Sana lang maging maayos ang lahat. Siguro uumpisahan ko na ang dati kong hindi natapos kahit nasa bayan ako ni Merli.

Tuesday, June 21, 2011

Ang Saya Saya

Isa ito sa mga pinakamasayang stay ko dito sa Singapore. Sarap tingnan ng bawat larawan at panoorin ang bawat bidyo na ginawa, kung saan makikita ang bakas ng ngiti sa mukha ng bawat kasama. 

Ito ang First Bijoke Session ng mga SG bloggers. :)

@Kbox somewhere in Somerset...memory gap nakalimutan yung exact place.lol







Maagang Hapunan kanila Mang Kiko



Hanggang sa walang humpay na kwentuhan, kulitan at tawanan...


Pinananabikan ang susunod na sasama ng makukulit na bloggers. Para sa makulit at nakakatawang bidyo bisitahin ang blog ni Bulakbolero


p.s. sa wakas isang buwan ng huli kong post nakapag-blog uli ako. patago pa ito...kapag lumalapit ang boss minimize agad.lol


Sunday, May 22, 2011

Struggle sa Biyahe

Hindi ako akalain na sobrang pagod pa rin ang dadanasin ko kahit maayos ang transportasyon dito sa bayan ni Merli. Kailangang ala-sais ng umaga e gising na ako upang mag-ayos at makarating sa trabaho sa takdang oras. Ito ang ruta ko papunta sa trabaho.
  • Sumakay ng bus papunta MRT station halos 10min ang biyahe
  • Sumakay ng tren papuntang Joo Koon at bumaba ng Paya Lebar (Berdeng Linya ng MRT dito)
  • Sasakay muli ng tren patungong Mac Pherson at bumaba ng Bishan (Dilaw na linya naman ng MRT)
  • Sasakay uli ng tren sa pangatlong pagkakataon patungong Jurong East at bababa sa Sembawang (Pulang linya ng MRT)
  • Maglalakad ng 222 meters upang sumakay ng bus patungong trabaho.
  • Bumaba sa bus stop kung saan kailangan kong maglakad ng 500m upang makarating ang aking patutunguhan.
Kung susumahin ang lahat, umaabot ng isang oras at kahalati ang travel time ko papunta at pauwi. Sobrang pagod ang pag-uwi galing trabaho. Bago palang mag-alas diyes ng gabi ay tulog na ako upang makapag pahinga. 

Maraming sumagap sa isip ko kung anong dapat gawin upang maibsan ang kahirapan na aking nararansan. Kumausap ng kaibigan at humingi ng payo kung anong maiging gawin upang mapadali ang paglalakbay ko.

Basta nakakapagod ito. Hindi ko pa alam ngayon kung ano ang gagawin. Basta ang nangyayari sa akin ngayon dito sa bayan ni Merli ay may dahilan. Hindi pa malinaw pero lilinaw din ito sa takdang panahon. 

Wednesday, May 4, 2011

Isang Buwan

Sadyang napakabilis ng panahon, biruin nyo nga naman naka-isang buwan na pala ang payatot dito sa bayan ni Merli. Isang buwan ng umaatikabong bakbakan at pakikipagsapalaran sa buhay (yown o aksyon star).

Gaya ng karamihan isa lang ang pakay ko sa pagpunta dito, ang makapaghanap ng maayos na trabaho at sweldo. Kahit malayo sa pamilya titiisin na lang makatulong lang sa kanila. (emo mode!)

At malapit na ito malapit na malapit na...Konting hinga na lang at mapapasaakin ka na. :) 

Salamat na lang din sa mga kaibigan at bagong kaibigan na tumutulong sa akin para mapagtagumpayan ako sa balak ko dito.

Sya nga pala i had my first haircut dito sa bayan ni Merli.

Monday, April 18, 2011

Ikalawang Linggo...

April 11

Nai-blog ko ata (hindi sure?lol...memory lapsed minsan) ang tungkol sa unang linggo ko dito sa bansa kung nasan si Merli...Nag tigil buong mag-hapon at nakatanggap ang ng paanyaya mula kay bulakbolerosasg ng kita-kita ng mga Pinoy bloggers dito sa Singapore sa darating na Huwebes. At sa kadahilanang hindi ko na makayanan ang bagot dito sa bahay na tinitigilan ko naisipan kong mag-gym para magkalaman naman ang buto ko.


April 12

Dating gawi nasa bahay lang ako at bilang naghahanap ng trabaho dito nag-email na naman ang ng sandamakmak na cover letter at resume ko. AT pagkatapos naglaba at nag-grocery nang pagkain ko dito na hanggang ngayon e hindi ko pa nakakain ang iba.


April 13

Spell B - O - R - E - D


April 14 
               
Dumating ang araw na pagkikita ng mga Pinoy Bloggers dito sa Singapore and lokasyon sa Ikea Tampines. Ang pagpunta ko dun mrt green line, yellow line, purple line. Kasama si bulakbolero at sam nag-aantay ng bus at pagkalipas ng halos trenta minutos nakasakay din kami at ang dapat na sampung minuto na pagpunta dun mula sa sengkang ay inabot kami halos isang oras at nakatayo lang kami sakit sa binti nun. Pero ok lang kasi nakilala ko ang mga taong ito...



April 15
            
Nakatanggap ng tawag mula sa agency para sa oryentasyon na gaganapin bukas para sa interbyu sa lunes. Hindi umalis maghapon pero gabi naman gumala. Nang dahil sa kulitan sa twitter nagkayayaan na mag-inom. At umuwi sa bahay ng bandang alas-dos ng madaling araw April 16. :)  Salamat sa serbesa at pulutan at sa taxi...Sa susunod ako taya alam nyo na kung kelan yun. :)


April 16
               
Gumising ng maaga pero ganun pa rin ang ginagawa. Umalis ng alas-12 para pumunta sa agency at umuwing pagod.


April 17
                 
Linggo ng palaspas at obligasyon ko bilang katoliko ang magsimba bago kung ano pang gawin ko sa araw na iyon. Pagkatapos diretso ako sa Lucky Plaza para makipagkita sa dalawa kong kaibigan para kumain ng tanghalian. At nagulat ako sa aking nakita sa sobrang daming pinoy sa lugar na yun tuwing araw ng linggo. Pagkatapos kumaripas na naman ako papuntang M hotel sa Anson Rd upang manood ng pelikula ni Anne at Luis na "Who's that Girl" at salamat uli kay Gasul sa paanyaya. Pero bago palang nagsisimula ang pelikula e tumawag ang ang kaibigan ako at may naganap na hindi inaasahan. Yun tuloy hindi ko natapos ang palabas bago pa lang ang tumatawa e.
Umuwi uling pagod pero okie lang nakapaglibot uli ang payat. :)

Panibagong linggo muli ang magsisimula para sa pakikipagsapalaran ko dito sa bayan ni Merli. Sana dumating na inaantay ko. ;)

Friday, April 15, 2011

Bloggers' Night

Maraming salamat sa mga bagong kakilala!
Sobrang saya kagabi.




Kahit naman pala medyo malayo ang venue sa ilan e worth it naman. Sabi nga ni Leona sa tweet nya "worth the tumbling :))."  Kaya tiyak masusundan pa ito. 

Monday, April 11, 2011

In Just A Week

Arrival...
       Arrived at Singapore at around 11:55 Monday night April 4. 
       Kumain ng Indian food sa baba ng tinitirhan ko dito. No offense hindi ko nagustuhan prata ata yun then dip into curry sauce. Pero salamat kay Ralph for the welcome food. 
       Nakatulog na ng around 4am April 5.

April 5
       
       Morning...
       Woke up around 10. Ride my first bus no. 222 and paid using coins.
       Pumunta ng Bedok tapos naggala within the area at nagpapalit ng local currency.

       Afternoon...
       Sasakay ng MRT going to Tampines Mall at doon nag-lunch.


The Only Card used in riding the bus and MRT

        Around 4pm nakipagkita sa High School friends we had dinner after that we went to Boon Lay Mall. the travel time from Boon Lay to Bedok almost one hour at nakasakay na ako ng MRT nun.

April 6

        Natahimik muna dito sa bahay na usual routine look for a job online. afternoon went to the gym to stay on my thin shape.lol.
        Then after gym lamon to the max na naman ang ginawa namin ni Ralph.


     
          Para matunaw agad ang kinain naglakad from Fair Price papuntang bahay for almost 10mins. Pero pagdating sa bahay busog pa rin kaya late na naman natulog.

April 7

              Went to International Plaza to look for a prospect company kung saan pwedeng magtrabaho. Para madali ang aking paghahanap i took a picture of the building's directory then pagdating dito sa bahay i it checked online yung website nila.

International Plaza Company Directory

            Pumunta na sa Plaza Singapura to meet another friend of mine habang nag-aantay kumain Sa Mc Donalds kasi wala atang Mcdo sa pinas.lol
               Habang nag-aantay pa sa ibang kaibigan nagpunta muna kami sa Marina Bay. Thanks to Christian for the Starbucks.


              Then after starbucks nagpunta na kami sa may bandang Orchard Road. And dinner with Jemega, Rachelle and Christian, salamat sa libre.

April 8

              Nagtigil lang sa bahay maghapon.

April 9

              Gumala na naman nagpunta sa Queensway after that to Vivo City and Harbour Centre almost to go to Sentosa pero biglang umulan ng malakas. Mabuti na lng hindi kami tumuloy kasi tiyak para kaming basang sisiw nagkataon.
                So my friend and I just eat dinner.

Horfan Seafood just like what i ate last tuesday

April 9

             Gumising ng maaga to go to church pumunta mag-isa sa Novena Church and I'm learning the means of transportation here in Singapore. And I'm enjoying my stay here and still learning the culture of the country. 

Thursday, March 31, 2011

Cleared!

Hindi ko alam kung dapat ko pang i-blog ito. Pero ok lang naumpisahan ko na. At may mai-dagdag na entry. At gusto kong magsulat e. =)

Finally, I'm off the list with the Immigration. Pwede na akong lumabas ng Pilipinas at pumunta saan ko man gustuhin. (kung may pera akong pamasahe! ;) )

Hindi ko pa malalaman na kailangan kong mag-secure ng clearance from the DOST-SEI kung hindi pa ako aalis noong tuesday for abroad. Kaya yun hindi ako naka-alis takbo ako agad sa DOST-SEI office sa taguig at maigi na lang dala ko lahat ng requirements.

But now I'm cleared totally. 


Lifting Order from the Bureau of Immigration

Pero kahit tinanggal nila ang pangalan ko sa watch list masama pa rin ang loob ko. Tatanggalin lang ang pangalan may bayad pa. Gaya ng tanong ko si Sen. Lacson kaya nagbayad din para tanggalin ang pangalan nya sa watch list?

Tuesday, March 29, 2011

PNR Mapanganib Ka

Akala ko masayang sumakay sayo noong umpisa dahil akala ko safe ako  habang ako'y lulan papunta sa destinasyon na gusto kong puntahan. Ngunit sa ikalawang pagkakataong ako'y sumakay sa'yo nabago ang pagtingin ko sayo. Dahil napag-isip-isip ko na hindi pala ako ligtas sa'yo at hindi pati mga taong sumasakay sa'yo.

Ito ang aking mga dahilan kung bakit hindi ligtas ang sumakay ng PNR:
  • Ang sumakay dito ay hindi man lang iniimpeksyon ng gwardiya kung ito'y may dalang patalim o bomba.
  • Kahit sino ay pwedeng sumakay kahit walang ticket sapagkat may ibang mga istasyon na pwede kang magpalipat-lipat at tumawid sa kabilang riles.
  • Dahil sa hindi pag-iimpeksyon nga mga gwardiyang nakatalaga maaaring itong maging isang target ng terorista kung ito'y naisip nila.
  • At kung kampante ka pa sa iyong pagsakay at hindi alisto marahil hindi mo namamalayan na nadudukutan ka na pala.
  • Sa tingin ko kahit lango sa droga at alak ay pwedeng makasakay dito.

Marahil mapapabilis ang pagpunta natin sa isang lugar lalo na kung ang pupuntahan natin ay madadaan ng tren ng PNR. Ngunit kung seguridad mo naman ang nakataya nais mo na lamang ang sumakay sa mahabang ruta ang tatahakin basta alam mong ligtas ka sa panganib. Pero sa panahon ngayon hindi mo na rin alam kung kelan darating ang panganib sa buhay mo. Sabi nga nga kaibigan ko "patay kung patay" at nang nakakarami "kung oras mo oras mo na" malas mo nga lang ikaw na natapatan.

Ingat na lang mga katropa. =)


Kaya pala naisulat ko ito dahil may hindi magandang nangyari sa aking pagsakay sa PNR kahapon ng umaga.

Marathon

Dahil sa pahinga muna ako sa trabaho at wala akong magawa sa bahay kung hindi matulog, kumain at magpalaki ng ..... Minarapat ko na lng panoorin ang mga pelikula at TV series na hindi ko pa napapanood.

Sa loob ng dalawang lingo natapos ko na ang mga sumusunod:
  • Prequel episodes ng Spartacus: Gods of the Arena
  • Californication Seasons 1 and 2
  • Grey's Anatomy Season 7 episodes 1-10 (11-15 under download)
  • V Season 1 episode 1-12
  • White Collar Season 1
  • Cop Out
  • 127 hours
  • A Nightmare on Elm Street
  • Alpha and Omega
  • Charlie St. Cloud
  • Eat Pray Love

Hanggat wala pa rin akong bagong trabahong tatahakin patuloy ko pa rin gagawin ang mga yan. At trying to be fit and healthy at the same time. ; )

Saturday, March 26, 2011

Let's Support The Earth Hour


We can make a difference.
Let us show our to support
to save our home, our planet, our Earth.

Tonight 8:30-9:30
Please to turn the lights off.




Monday, March 14, 2011

MP3 Go Gear

Thank you to...
GoodtimewithMo The Podcast
finally I received it.
My Philips Mp3 Go Gear
courtesy of Tradeport.


Saturday, March 12, 2011

Anawangin... Alanganin...

Nakasanayan na naming magkakaibigan na kada summer e dapat may bagong beach kaming pupuntahan na bago sa aming paningin. At dahil sa inaasahang pagkakataon na isa aming kaibigan ay aalis patungo sa ibang bansa ay pinaaga namin ito.

Naka-schedule na aming pagpunta sa aming destinasyon kanina dapat ala-1 ng madaling araw sabado, marso 12. Sa hindi inaasahang pagkakataon e biglang bumungad sa amin ang balitang nagka-tsunami ang sa Japan dakong alas-2 ng hapon, Marso 11.


Pero noong una ay mukhang hindi patitinag ang mtitigas na mukha ng mga kaibigan ko at tuloy pa rin daw kami.

Ito pa ang mga pamatay na bawat:

"natatakot ka ba?yung totoo?ayaw mu na ba tumuloy?kc c jen natatakot na...dapat ang motto..."patay kung patay"...hahaha"

"Hahaha ndi nmn.. Keri nmn nten dba? Asan ba un iba?"

Meron din naman natakot pero may kasamang tawa pa,

"wag n nga tau muna pumunta anawangin.. ntkot din ako... hahahah... ngaun q lng nalaman kc kakausap ko lng din c harold sa celpon.. panu anu na???? hahahaha!!!"

"Huo hwag n lng nga.. Ayusin n lng nten next week un anawangin.. Lecheng tsunami yan.. Nakausap q c harold ayaw nya tumuloy at ayaw nya na umabsent.."

At ito ang pinakamatinding banat sa lahat,

"gusto patayin ni harold ang tsunami!!!! hahaha gow"

Nang dahil sa tsunami hindi kami natuloy mahirap na kahit wala sa pacific coast ang pupuntahan namin maige na yung nakakasiguro. Pero sa susunod sa sabado hindi na talaga papaawat ang mga kaibigan ko may magdadala n nga ng comforter e. Sana hindi na maging ALANGANIN ang pagpunta namin sa ANAWANGIN.


Monday, March 7, 2011

We Love You Mama

My father called her Diding,
Her siblings called her Gold,
My nieces and nephews (sa cousins) called her Mama Gold,
For her friends she was Glo,

But for US. . .MAMA.

(wala akong scanner kaya via cam phone na lng)

We miss you so much! We love you! =)

Friday, March 4, 2011

Last Day...

Sa aking pagtatrabaho sa Automomobile Association of the Philippines bilang Database Specialist sideline I.T. sa loob ng 2 taon madami akong natutunan. Maraming nakilalang tao at bawat isa sa kanila ay natutunan ako. 

Maraming salamat sa aking mga katrabaho dahil masaya ang aking panahon na aking nailagak sa AAP na kasama kayo. Sa bawat saya at lungkot ay kahit papano madadala ko saan man ako magpunta.

Salamat din dahil sa AAP dahil binigyan nila ako ng pagkakataon na ipamalas sa kanila ang aking kakayanan bilang isang empleyado. At dito rin nahubog ang aking pagkatao bilang isang trabahador sa pangalawang pagkakataon.

Summer Outing 2009

Monday, February 28, 2011

Humanap Ka Ng Panget

Ang maganda bang babe ay may chance na makipag-date sa isang pangit o average guy na lalaki kung ito ay hindi mayaman?

This was one of the situations that i heard while im listening to Mo Twister's Podcast. The story was this, yung caller kasi is a pretty babe who was planning to go out to a not hunk and rich guy. Kasi ang complain nya was everytime he was going out to the counter part of the guy relationship doesn't last. After makuha ang gusto sa kanya everything will end up.


So ang gusto nya i-try na makipag-date sa isang not good looking guy and see what will happen. Will she
find a true love to a not so good looking guy?  No one knows i guess nasa kanya pa rin ang kasagutan.
Kasi sa tingin ko girls who are good looking  will never stand long to that kind of relationship. 


Sorry sa mga pretty girls because i don't see that you would be able to out to an average joe. In our culture Beauty and Beast love story exist in a 0.0001% statistics. Siguro papatol lang ang isang magandang babae sa pangit na lalaki kung ito'y may pera.


Medyo bitter ang blog na ito pero sa tingin ko iyon ang totoo. Pretty girls to hunky hunk  guys, pretty girls to rich guys pangit and average girls to average joe. Reality sucks minsan but we have to accept.



Monday, February 21, 2011

Gods of the Arena


The House of Batiatus is on the rise, basking in the glow of its infamous champion Gannicus, whose skill with a sword is matched only by his thirst for wine and women. These are the times a young Batiatus has been waiting for. Poised to overthrow his father and take control, he’ll freely betray anyone to ensure his gladiators are in the highest demand. And he’ll have his loyal and calculating wife Lucretia by his side for every underhanded scheme, drawing on the brazen talents of her seductive friend Gaia when it counts. Together, they will stop at nothing to deceive the masses, seize power, and bleed Capua dry in this audacious prequel to “Spartacus: Blood and Sand.”

Monday, February 14, 2011

Araw ng mga Nguso

Ngayong araw na ito may mga bumati naman sa single kong puso. Ang mga bumati sa akin ay ang mga sumusunod,

Laika - binati ako sabay abot ng rebisco na binili ko sa canteen.

Jhez - paglabas ko ng canteen nakasalubong ko sya sabay bati ng happy hearts day.

Lyn - nagtxt ng apie valentine sabay sabing sawi daw ako ngayon. Butiki talaga.

Arly - pinasabi kay lyn na i-greet daw ako.

Andrea - kaklase ko nung college binati ako through FB.

Tita yeye - na sinabi pang may kalapirutan na naman ako ng nguso.hahaha

At may mga kaibigan ko din namang bumati sa facebook.


Tiyak fully booked na naman ang mga motmot nito. At sabi nga nila madami ang pinapanganak ng november kasi maraming nabubuo ngayong araw na ito.hehehe...

Bitter lang ako kasi wala kaong ka-date ngayon. kaya stay na lng sa bahay pagkatapos ng office. At aaliwin ang aking sarili. =)

Dahil sa valentine's day ngayon may pahabol pala ako. Please vote my sister and her boyfriend Andreas to win a trip in Switzerland. Ito ang paraan ng pagboto:
  1. Maglog sa www.facebook.com
  2. Search for Friday Couples: Romance in Switzerland
  3. Like the said page.
  4. Look for contestant no. 77 
  5. Like the photo for able for you to vote.
For an instant access on the page just click on the picture below.

My Sister and Her Boyfriend Andreas

 "Maligayang Araw ng mga Puso, Laplapan ng mga Biak na Nguso" and enjoy the rest of the Hearts Day! =)

Saturday, February 5, 2011

Standing Ride Only

Hindi ko maitindihan sa mga driver ng bus kung bakit pilit pa silang nagpapasakay kahit alam na nilang nakatayo na lahat ng pasakero. Di ba karapatan naman ng bawat pasahero na magkaroon ng maayos na biyahe?



Bakit kaya hindi maglabas ng patakaran ang MMDA na bawal ang nakatayo ang mga pasahero ng bus. Parang eroplano lang kung ilan ang capacity ng eroplano yun lang nag pinasasakay nila o kaya ng barko bawal ang over passenger.



Kaya nga dba kinukuha ng total capacity ng sasakyang pang-publiko sa bawat rehistro nila ng sasakyan sa LTFRB para sa kanila prangkisa. Bakit simpleng bagay hindi sila makasunod.



Siguro may kasalanan din naman nag mga pasahero kasi kung alam na nila puno na bakit pilit pa nilang sinisiksik ang sarili nila kung alam naman nilang may mga darating pang ibang bus.



 Haaayyyy...sino ba dapat ang sisisihin ko? Ang bus o ang mga taong pasaway din....