Nakalimutan ko may blog nga pala ako. Medyo matagal bago nasundan dahil medyo busy sa mga bagay bagay sa buhay. (Feeling ko lang madami akong followers at nagbabasa...lol).
Gusto ko lang i-share ang bawat kwento sa likod ng larawang aking nai-post sa Instagram.
Ito ang unang attempt kong lutuin dito sa bayan ni Merli "buttered shirmp". Madali nmn syang lutuin at kahit papano tama naman at ang timpla ng luto ko at naubos ko naman.
Ito ang agahan ko bago ako magsimba ng alas-9 ng umaga sa St. Anthony. Dahil may kita-kita ang mga Pinoy SG Bloggers ng araw na yun kailangang magsimba at magpasalamat sa Poong Maykapal.
Creepy dito sa MRT station na ito kasi as in ako lang mag-isang naglalakad dito na parang hnd naman normal dito sa bayan ni merli lalo na sa ganitong uri ng lugar.
Nasa trabaho ako nito nag-aantay ng tawag kung natanggap ako sa balak kong lipatan na trabaho. Kasi isang linggo na ang nakalipas nung araw na ininterbyu nila ako. Nakakapraning ang mag-antay...
P.S. Umandar ang katamaran ko, kaya puputulin ko muna ang post na ito. Mamaya na lang uli para masaya at dumami naman ang post ko dito.hehehe...
Saints. Dinner tayo maya sa np. Libre ka?
ReplyDeleteSaan yung NP?hehehe...antayin ko muna yung txt ng kaibigan ko kung tuloy kami mamaya.
ReplyDeleteNorth point sa may yishun mrt.
ReplyDeleteNakakapraning ang mag-antay...
ReplyDelete-tumatak sa puso ko to! LOL
@bulakbol - Ok...sige text kita mamaya kapag makakasama ako.
ReplyDelete@Mr. Chan - yun talaga...applicable ba pati sa buhya pag-ibig?LOL
matagal ba yan? parang mas matagal ako.. may blog din nga pala ako. tsk tsk
ReplyDeleteang creepy nga ng escalator pic na yan...
ReplyDeletekonting hintay na lang.. ngayon ka pa ba mapapraning when it's almost within your reach? im sure it'll be worth the wait! career and lovelife! uy!:)
@MD -- hehehe...oo nga mukhang mas matagal ka.
ReplyDelete@leona -- napangiti nman ako sa comment mo. kasama talaga ang lovelife. :) salamat my friend.
Haist! Para tuloy gusto ko uling magluto ng buttered shrimps. LOL!
ReplyDelete