nuffnang

Saturday, February 5, 2011

Standing Ride Only

Hindi ko maitindihan sa mga driver ng bus kung bakit pilit pa silang nagpapasakay kahit alam na nilang nakatayo na lahat ng pasakero. Di ba karapatan naman ng bawat pasahero na magkaroon ng maayos na biyahe?



Bakit kaya hindi maglabas ng patakaran ang MMDA na bawal ang nakatayo ang mga pasahero ng bus. Parang eroplano lang kung ilan ang capacity ng eroplano yun lang nag pinasasakay nila o kaya ng barko bawal ang over passenger.



Kaya nga dba kinukuha ng total capacity ng sasakyang pang-publiko sa bawat rehistro nila ng sasakyan sa LTFRB para sa kanila prangkisa. Bakit simpleng bagay hindi sila makasunod.



Siguro may kasalanan din naman nag mga pasahero kasi kung alam na nila puno na bakit pilit pa nilang sinisiksik ang sarili nila kung alam naman nilang may mga darating pang ibang bus.



 Haaayyyy...sino ba dapat ang sisisihin ko? Ang bus o ang mga taong pasaway din....


2 comments:

  1. haaayyy.. ang sama pa nyan, sa mga tayuang pampaseherong bus karaniwang nagaganap ang mga dukutan.

    ReplyDelete
  2. true. at anhirap makaalis kapag puno na ang center aisle. Kailangan makipaggitgitan pra makaalis ng bus.

    ReplyDelete