nuffnang

Showing posts with label new year. Show all posts
Showing posts with label new year. Show all posts

Tuesday, January 1, 2013

Best of 2012 and Hello 2013

Salamat sa taong nagdaan (2012) para sa mga magagandang nangyari sa akin. Sa mga bagay na hindi magandang nangyari salamat din sapagkat natuto ako sa mga bagay na yun.

Pero isasahin ko mga natatanging kagananapan na nanganap sa buhay ko nitong nakaraang 2012.


  • Napermanente ako sa trabaho at isa ito sa maagang pabirthday! At dahil dyan salamat po Lord sa dagdag pangkabuhayan showcase.
  • Bumisita si Ate dito sa bayan ni Merli at nagpunta kami ng KL bago sya bumalik ng Dubai.
  • Solong pumunta sa Phuket upang ipagdiwang ang aking kaarawan.
  • Bintan, Indonesia para ipagdiwang ang muli kaarawan kasama ang mga kaibigan ko na nagdiwang din ng kanila kaarawan.
  • Umuwi ng Pinas para makita ang aking ama na hindi ko nakita sa loob ng 2 taon.
  • Mga bagong inaanak.
  • Palawan trip na hanggang ngayon hindi ko pa napost ang pictures.
  • Pagdalaw ni Anie sa Singapore bago pumunta ng Dubai.
  • Bagong himlayan para kay Mama, Tatay at Nanay
  • Ang makatulong sa ibang tao at maishare ang biyayang natanggap.

At sa bagong taon na 2013 dalangin ko ang isang masaganang taon para sa akin at sa aking pamilya upang maipagpatuloy ko ang aking mga nasimulan. Nawa'y maging matatag pa lalo ako sa mga pagsubok na aking kakaharapin. 

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat!

Saturday, December 31, 2011

Salamat Lord

Marami akong dapat ipagpasalamat sa taong 2011, ito ay ang mga sumusunod:

  • Dahil walang nagkakasakit sa pamilya ko at mas lalong matatag ang aming pagsasama kahit watak watak kami.
  • Natapos na ang therapy ko noong February at wala na akong tililing sa utak. Kay may ok sa doctor ko na lumipad na ako sa bayan ni Merli at hanapin ang aking kapalaran.
  • Nakipagsapalaran ako ako dito Singapura nng buwan ng Abril at sa buwan ng Mayo nagkaroon ako agad ng una kong trabaho.
  • Sa pagpunta ko dito sa Singapura nagpapasalamat din ako sa mga bago kong kaibigan, na minsan sila ang natatakbuhan ko sa lungkot at saya. Maraming salamat sa inyo. :)
  • Buwan ng Hulyo buwan ng Birthday ko nakatanggap ako ng mabuti balita na ako ay natanggap sa trabaho mas higit na mas maganda sa nauna. Laking pasalamat ko uli at naaprubahan ang pass ko sa bagong trabaho. At buwan na ng Agosto ako nagsimula sa kanila.
  • Natupad ko na din ang pangarap ko na makapag-enroll ng Master's Degree kahit ito ay via Distance learning program.
  • Sa mga biyayang laging dumadating sa aming pamilya araw-araw, maraming-maraming salamat po.
  • Sa bawat pag gabay sa mga suliranin na dumating sa amin dahil pinanatili nyo pong matatag kami.
Sa darating na taong 2012 nawa po'y bigyan nyo pa rin po kami ng sapat na biyaya araw-araw at ilayo sa anumang uri ng sakit o karamdaman. Maraming maraming salamat po sa mga darating pa! :)

Sunday, January 2, 2011

Thank You

Thank you LORD noong 2010...

  • Sa masayang buhay na naranasan ko sa 2010.
  • Sa mabuti at mapagmahal na pamilya.
  • Sa masaya at tunay na mga kaibigan.
  • Sa mga biyayang natamo ng aming pamilya.
  • Sa paggabay sa mga suliranin na dumating sa buhay.
  • Sa hindi pagkakasakit at pagkakaroon ng maayos na kalusugan.
  • Sa pagkakaroon ng maayos na trabaho.
  • Sa pagtitiwala sa akin ng mga taong nakapalibot sa akin.
  • Sa pagmamahal na natamo ko sa pamilya at mga kaibigan.


Sa lahat maraming maraming salamat sa pagsubaybay nyo sa blog ko. Sana dumami pa kayo at maging kaibigan ko.

HAPPY NEW YEAR and HAVE A WONDERFUL LIFE AND FULL OF BLESSINGS this year 2011