nuffnang

Saturday, June 25, 2011

Paramdam...

Kakwekwento ko lang sa mga kaibigan ko tungkol sayo noong Huwebes ng gabi, hindi ko inaasahang na sasagot ka sa tawag ng isip at puso ko. (wow may ganun...lol) 

Sabi ko pa naman hindi ako naniniwala sa long distance relationship kaya hindi ko tinuloy ang balak ko sayo noong nasa Pinas pa ako. Pero sa bawat sagot mo sa mga palitan ng mensahe kahapon sa FB, mukhang magbabago ang papanaw ko sa LDR thing na sinasabi.

Sa palitan namin ng mensahe kahapon nabanggit nya sa akin na nagbabalak din sya pumunta ng ibang bansa at nabanggit nya din na "madami pa syang priorities aside from lovelife." Ooopppsss nagcrack ang puso ko. :(  

Ang tanging sagot ko na lng ay "Ingat at maraming mag-aantay sau!hehehe." 

Pero ng sumagot ka Isa sa mga tumatak sa isip ko sa mga mensahe mo kahapon ay "bakit aantayin mo ba ako?(messages in between) malay mo tayo pala."

May mga ilang palitan pa ng mensahe ang naganap. Mukhang maganda naman ang pinatunguhan. Sana lang maging maayos ang lahat. Siguro uumpisahan ko na ang dati kong hindi natapos kahit nasa bayan ako ni Merli.

5 comments:

  1. Kilig naman. Mas okay yung maghantay ng meron kesa maghantay sa wala.

    ReplyDelete
  2. aantayin mo ba sya? sana antayin mo sya para happy life kayong dalawa...in love :D

    ReplyDelete
  3. kinilig ako! just go with the flow... iba iba naman tayo ng kwento, may LDR success stories din naman noh? and yours might just be one of those, waiting to happen! let's keep some sense of optimism! apir*

    ReplyDelete
  4. @Desperate tama ka dyan pare koy!kamusta na si amo?lol

    @khanto malalaman sa mga darating na araw.hehehe

    @leonajane sabagay tama ka dyan. bigyan ko ng chance siguro tingnan kung magwork. apir! :)

    ReplyDelete
  5. pre, walang perpek timing. kase araw araw, new beginning. kaya kung gusto mo magsimula, wag ka na maghintay ng tamang tyempo. you just need to know how gamble.

    ReplyDelete