nuffnang

Wednesday, October 3, 2012

Ramdom Tots

Sa Trabaho

Umaatake na naman si Kuya sa trabaho kanina. Hindi ko na naman mawarian kung ano ang gusto nya. Sala sa init sa lamig ang gusto nyang mangyari sa mga requests na dumadating sa amin. Dati okay lang na wala, ngayon hinahanap na nya. Ano ba talaga kuya? Nakakainit ka ng dugo.


Sa Bahay

May bago kaming housemates mag-tatay. Si tatay 17 years na dito sa bayan ni Merli si anak naman bago lang at medtech ang trabaho. Ang tinamaan na magaling kong karoommate iniintriga si anak dahil mukhang diwata daw ito.


Sa Pag-aaral

Tapos na ang sem may social life na uli ako sana. :)


Sa puso

uuuuyyyyy.....abangan...

Sunday, September 16, 2012

Buhay Estupidyante

Haaayyyy....mahaba talagang haaaayyyy... 

Two weeks wala akong social life. At busy lang sa pagsagot ng exams, quiz at assignments na dapat tapusin hanggang October 3. Hindi makakasulyap sa F1 at ibig sabihin wala ding chance para mapanood ang Maroon 5. Duguang utak na naman magaganap e ke liit na nga.

Pero naka-oo nga pala ako sa mga kagrupo ko na sasama ako sa kanila sa inuman sa Biyernes nakakahiya naman kasing tumanggi minsan lang pati nila ako yayayain tatanggi pa. Puslit na lang ako ng maaga ang importante tumupad ako sa binitiwan kong "OO".  Hala mali "sure" pala ang sinabi ko hindi nga pala Pinoy ang kausap ko nun.hehehe...

O sya na next time na lang uli nai-singit ko lang ang pagsulat dito baka kasi amagin na naman. Hanggang sa muli aking blog. :)

Sunday, August 19, 2012

Wala Lang

Gusto kong magblog pero hindi ko alam kung ano ang gusto kong isulat. 

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko dito sa Pinas naka higa, nagising ako sa ingay ng boses ng kaibigan ng tatay ko na puro mura ang lumalabas sa bibig. Naririnig ang ingay nga mga sasakyang nagdadaan. Ang kapitbahay namin na umagang-umaga na bumibirit ng "Ikaw" sa kanilang pinapaarkilang videoke. 

Iniisip ko pa kung anong pwede kong gawin maghapon. Binabalak ko sanang pumunta sa Maynila upang maglibot dahil tiyak hindi matutuloy ang lakad namin ng tatay ko dahil sa lasing na sya. Umagang-umaga ang tumutungga ng serbesa. 

Meron pa akong 7 araw bago ko bumalik sa bayan ni Merli.

Biruin nyo may naisulat din pala ako.

Sunday, July 29, 2012

1.25

Gusto ko lang ishare sa inyo yung videos na isa sa naging dahilan upang makakuha ako ng mataas na marka noong nakaraang sem. Sa mga hindi nakakaalam estupidyante kasi ako ngayon habang nagtatrabaho. ;)

Para sa aking video na "Lucky Plaza" starring dito si Millionmonks. Panoorin natin ang kanya mga hinaing sa buhay.hehehe... Parang tanga lang ako sa interview. Ito yung unedited version.






Para naman sa "Blogger at Young Pinoy Professional" kong topic kulitan interbyu kanila Bulakbol at Feeblemind.




Monday, July 9, 2012

29

Tiyak madami na kayong nababasa na ganitong tema ng sulatin, yung mga tipong "ten things (o kahit ilan pa yun) you should know about me". Ngayon ako naman ang gagawa nang may maisulat naman ako. Nagawa ako na din naman dati yung slumbook blog ko dagdagan ko lang ngayon. :)

Tiyak sakit sa ulo nito upang mapagtagumpayan ko ang dalawapu't siyam.

29. Ayoko ng amoy ng sigarilyo kasi madalas akong mabahing o sipunin kapag naaamoy ko 'to. So ibig sabihin nun smoker ako. Sensya na sa mga smoker kong friend. ;)

28. Ayoko ng masyadong maingay kasi madali akong mairita.

27. Praning akong tao. Madali akong mag-panic kahit alam ko naman na hindi dapat. Baliw lang?

26. Isa akong torpe. Ang sabi ng mga kaibigan kong nakakakilala ng lubos sa akin mataas lang ang standards ko. Pero ang totoo nyan wala akong pang date.hahaha...

25. Kung sa tingin nyo na suplado ako, hindi yun totoo. Isa lang po akong mapagkumbabang tao. Mahiyain lang po ako.

24. Payat man akong tao pero malaki ang .... ko. Fill in the blanks na lang. ;)

23. Dati akong 50kgs ngayon 67kgs na ako.

22. Nag ggym ako pero hindi tuloy tuloy mga 2yrs na. Pero feeling ko mabagal ang development.

21. Umiihi pa ako sa kama hanggang age of 12. Ngayon...hmmmm...censored...

20. Natuto akong magluto simula ng mapunta ako dito sa bayan ni Merli. Salamat sa mga recipe online.

19. Paborito kong ulam ay yung may gata, baka napupurga na ang kasama ki sa bahay sa mga niluluto ko. Pati alamang basta wag lang gaanong maanghang.

18. Gusto ko sa pagkain masarsa at masabaw. Kaya siguro sabaw na rin utak ko.hahaha..

17. Hindi ako mahilig sa chocs kahit anong sobrang tamis, kumain man ako may katabi na ako agad na maligamgam na tubig para mainom. Mahirap ng magka-tonsilitis nilalagnat ako.

16. Mahilig akong manood ng TV series. (grey's anatomy, true blood, etc)

15. Ako ay isang gwapong nerd. (ang umangal may sapok)

14. Paborito kong subject simula grade school to college ay math basta may computations love ko at boploks ako sa english.

13. Mahilig akong kumanta. Madalas akong sing and dance sa umaga habang naliligo to start my day right.

12. Hindi ako marunong lumangoy kaya takot ako kapag nakasakay ako sa bangka at maalon. Pero narerelax ako kapag nagpupunta ako sa beach.

11. Hindi ako mapormang tao yung tipong tama lang yung presentable naman tingnan. Wag lang hubo.hehehe

10. Mas komportable ako kung boxers at sando lang ang suot ko sa bahay at kapag matutulog na ako. Boxers o brief? Boxer briefs kapag may pasok sa trabaho o lalabas ng bahay, boxers kapag nasa bahay at matutulog na.

9. Mahaba ang pasensya ko pero kapag nasagad pasensyahan na lang. Tapang db?

8. Takot ako sa karayom kaya kapag nagpapablood test ako o injection hindi ko tinitingnan.

7. Takot ako sa kuting kaya kapag nanganak ang pusa namin at nakita kong nakakalat ang kuting nya sa ibabaw ng sala seat ako naglalakad.

6. Kuripot ako yun ang totoo. Mahirap lang walang madukot kapag biglang kailanganin.

5. Korny daw ako pero may mga pronsipyo lang ako na sadyang iba sa karamihan.

4. Mapagbigay akong tao lalo na kapag sa mahalagang bagay gagamitin.

3. 14 years of my life Mama's boy ako.

2. Natuto akong maging responsable at pahalagahan ang buhay sa murang edad na kinse.

1. 29 na ako :)

Happy birthday to me, happy birthday to me, happy birthday happy birthday!!!(top of my lungs) Happy birthday to me!!!

Salamat Lord for the past wonderful 28 years of my life and more years to come. Maraming salamat po sa mga blessings at sa maagang pa-bday. :)

Sa mga bumati ng advance maraming salamat.

Sunday, July 8, 2012

Nang Ako'y Mamhuket

4th day - Araw at Ulan

Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.

Gumising ako na umaasa sa huling araw ng aking paglalakbay ay sumikat si haring araw.

Hindi nya naman ako binigo nagpakita naman sya. Dali dali akong nag-ayos ng aking sarili upang pumunta sa dalampasigan. Laging ng sunblock suot ng shades ready na para akin beach get-up.

Pumunta ako sa dalampasigan na may ngiti sa labi sapagkat dahil nangangalit ang init. Lakad lakad uli ako. Naghahanap ng magandang pwesto na pwede akong magpahinga at magpiktyur piktyur.

Habang ine-enjoy ko ang akong pagpapahinga nakita ko sa may kalayuan na papalapit ang makapal at maitim na ulap. Isa lang ang ibig sabihin nun muling bubuhos ang ulan. Natabunan na ang init ni haring araw kaya dali dali akong nagligpit ng gamit upang umalis. Binilisan ko ang paglalakad ngunit inabutan pa rin ako ni ulan.

Balik hotel na naman ko at nagkulong na lang uli. Nagbasa na lang ako at sumagot sa discussion board (nerdy stuffs).

Datapwat puro ulan man dito sa pinuntahan ko at least napahinga naman ako kahit papano. Ayos na din. ;)

Lord thank you for this trip because with your blessings na binigay nyo this past year kung wala po yun hindi ko magagawa 'to. Sana madami pa po this coming year (may nauna na nga pala...early present) at sa mga susunod pang taon. :)

See you tomorrow Singapore!

Saturday, July 7, 2012

Nang Ako'y Mamhuket

3rd day - Alon

Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.

Maaga akong nagising sapagkat ito ang araw na ako ay mag phi phi island tour. Nasa lobby ako ng hotel upang mag-antay sa service na maghahatid sa amin sa may pier.

Mga 30 minutos din ang tinagal ng biyahe papuntang pier. Pagdating dun ay nag-antay din kami ng ilang minuto bago sumakay ng speed boat na gagamitin sa tour. Bago yun binalaan kami ng aming tour guide na medyo maalan ang karagatan kaya pinayuhan kaming uminom ng gamot kung kami ay mahiluhin. Hindi ako uminom nun sapagkat alam kong kaya ko naman. Sya nga pala nagparamdam ng bahagya ang haring araw.

Nagsimula na ang paglalakbay, nung umpisa ok pa naman ang alon pero ng tumagal heto na may malalaki nang alon at talaga nga naman mararamdaman mo ang bawat paghampas ng alon sa bangkang aming sinasakyan. Halos tinawag ko na ang lahat ng santo sa langit upang gabayan kami sa paglalakbay sapagkat hindi biro talaga ang mga alon na yun.

Hanggang sa makarating kami sa una naming destinasyon sa Maya Bay kung saan ginawa ang pelikula ni Leonardo di Caprio. Doon bahagyang nawala ang kaba ko. Talaga naman nakakabighani ang ganda ng tanawin doon. Nagtagal din kami ng mahigit 30minutos sa isla.

Heto na sumakay na naman kami hindi na naman ako matigil sa kadadasal dahil susuong na naman kami sa karagatan. Nakakatakot talaga ang alon.

Tumigil panandalian ang sinasakyan namin upang mag-snorkling ang karamihan. Ako nanonood na lang sa kanila. Pagkatapos nun takbo na naman ang sinasakyan namin papunta kung saan kami magtatanghalian. Sasagupa na naman sa alon. Maige na lang walang ulan at minsan nagpapakita ang haring araw.

Dumating ang tanghalian wow sarap ng pagkain buffet style eat all you can. Pero hindi ako makarami ng kain kasi baka maisuka ko. Pinipigilan ko lang ang hilong aking nararamdaman kasi nahihiya akong masuka.

Last stop namin sa Egg island. Nagtawag na naman ako ng mga santo dahil iba na talaga ang alon ng mga oras na 'to. Dito halos bumaligtad ang sikmura ko at parang naibalik ko uli ata ang suka ko kadiri.

Pag dating namin sa isla na alala ko 'to, yun yung isla kung saan ginananap ang isang challenge ng amazing race. Yung mag setup sila ng beach umbrellas and chairs. Dito ako nag-enjoy at naligo sa dagat.

Tapos na ang oras namin sa isla heto na naman balik laot na naman. Nawala na si haring araw isa lang ibig sabihin nito bubuhos ang ulan. Hindi nga ako nagkamali ang alon kanina ay may kasama ng ulan. Waaaahhhhh.... Dasal na naman ako na sana makarating kami ng ligtas sa pier. Medyo basa kami dahil sa ulan at medyo gawa na din ng alon.

Nakarating naman kami ng matiwas sa pier. Malamang kasi nasulat ko pa to.hehehe.... Siguro maeenjoy ko yun trip kung hindi ganun ang lagay ng panahon at kondisyon ng dagat. Kasi dun ko naramdaman na parang nasa hukay ang kalahati ng katawan ko.

Lesson learned wag ng manghinayang sa pera kung nararamdaman mong nasa bingit ka ng kamatayan.

Friday, July 6, 2012

Nang Ako'y Mamhuket

2nd day - Makulimlim

Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.

Nagising n ako ng mga bandang alas-8, una kong ginawa ay sumilip sa may bintana upang tingnan ang lagay ng panahon. Hindi naman umuulan pero makulimlim ang kalangitan

Ligo ako agad para mag-ayos ng sarili at maglakad sa may dalampasigan.

Pag-labas ko ng aking tinutuluyan napadaan ako sa isang karinderya para mag-agahan. Nagtanong ako sa ale kung anong luto sa kanyang paninda ang hindi maanghang. So umorder ako ng talong at isda. Tama nga si ate hindi nga gaanong maanghang ang talong, para sa kanya oo sa akin hindi, umuusok na ang tumbong ko sa anghang langhiya. Wag sanang magparamdam si alma.

Patuloy sa paglalakad, makulimlim pa rin ang kalangitan. Nakaabot n ako sa dalampasigan. Hindi pa rin talaga ako nabighani sa ganda nito. Dahil siguro sa mga kalat na nakikita ko. Mukhang walang naglilinis doon para pulutin ang mga kalat. Sige maganda nga buhangin ng dalampasigan pero nawala ang ganda nito sa duming kahalo nito. Wala man lang akong makitang pwede kong lagyan ng latag upang maupo dahil bago ka maglatag e hahawiin mo muna ang mga dumi. Pwede naman umarkila ng beach chair pero sayang ang pero kung pwede naman sa buhangin lang maupo o mahiga.

Habang sa aking paglalakd hindi ko na namalayan na nakaabot na ako sa halos kabilang dulo ng dalampasigan at naisipan kong munang magkape at umupo. Wala starbucks sa sg kaya sinubukan ko.hahaha...Makulimlim pa rin.

Lakad uli ako pero dun na ako sa bandang kalsada naglalakad patingin-tingin sa mga tianggeng nadaanan. Kuripot nga ako hindi ako nakabili ng kahit ano. Hanggang nakarating ako muli sa dulo ng dalampasigan na aking pinagmulan at umupo sandali ng biglang tumawg ang aking ama upang mangamusta.

Biglang sumilip ang haring araw masaya ako at sana tuloy tuloy na.

Naisipan ko naman magpamasahe, ang traditional thai massage. Sabi ko kay ate kung pwede kong tanggalin ang aking shorts ok lang naman daw. Magaling syang magmasahe mabuti na lang hindi nagwala si junjun. Pero naisip ko din kung paano ito magwawala kung ginwaha mula sa sakit ng aking katawan ang aking nararamdaman.hehehe... Sulit ng subukan ko ang masahe kasi guminhawa naman ang pakiramdam ko. At biglang kumulimlim na naman ang kalangitan. Balik hotel na uli ako.

Nananalangin akong magpakita muli ang haring araw, ngunit pagkaraan ng ilang oras bumuhos si ulan. Kaya kulong na naman ako sa kwarto.

At sa pagkukulong ko, gumawa ako ng call me maybe video.hahaha...for my eyes only.

Nagutom ako sa paggawa ng video kaya naisipan kong mag-order ng pagkain sa kasamaang palad hindi na daw sila magluluto dahil sa sama ng panahon tiyak walang gaanong customer ang darating. Kaya labas na lang ako kumain.


Thursday, July 5, 2012

Nang Ako'y Mamhuket

1st day - Umuulan

Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang ang susubuk na bumasa at tatamarin lang.

Umalis ako ng singapore umuulan,dumating ako sa phuket ng umuulan din. Halos 30min pa muna sa himpapawid ang eroplano kung saan ako lulan bago ito tuluyang lumapag. Pagkalabas ko ng airport nagkalat bigla ang mga nag-aalok ng service transport sa destinasyon na tutuluyan mong hotel. Mas pinili ko ang mini-bus o van nilang tinatawag na 15 katao ang sakay at sa halagang 150Baht kumpara sa isahan ka lang na 600Baht.

Syempre alam nyo na kung bakit yung 150baht lang ang pinili ko kasi mas praktikal at likas lang na kuripot ako.hehehe... Inabot din ng halos isang oras bago ito umalis. Lalong lumalakas ang ulan.

Nagstop over yung sinasakyan namin na mini bus sa office nila. Hindi namin alam kung bakit yun pala e aalukin kami ng kung ano ano tour. Ang pinili ko na lang ay phi phi island tour, kung saan naishoot ang pelikula ni leonardo di caprio na the beach ata ang title nun. Maganda naman package kasi speedboat ang sasakyan at may kasamang buffet lunch at kung ano ano pang activities. Umalis na uli at umuulan pa rin.

Patuloy ang byahe papuntang hotel. Pag dating ko umuulan pa rin. Kaya buong maghapon nasa hotel lang ako.

Nung napansin ko na tumila lumabas ako at sinubukan puntahan ang beach. Mga 3mins walk lang naman ito mula sa hotel. Along the way tumitingin tingin na din na pwedeng gawin. Pag dating ko sa beach so so lang hindi ako ganun naimpress. Hindi maganda ang tubig dahil siguro ng umuulan. At hindi ko rin naman sya maicompare sa boracay kasi hindi pa naman ako nakakarating dun.

Patuloy sa paglalakad biglang umambon. Sa paglalakad ko may nadaanan akong nagtitinda nang inihaw naitry ko lang masarap naman.

Balik sa hotel, umuulan na naman. Salamat sa series na naidownload ko at may napapanood ako dito. Nakatapos ako ng 3 episodes. :)

Dinner time, opppssss hindi na umuulan lakad na naman ako.ibang ruta naman hahanap ng makakainan at pwedeng mapaglibangan. Dahil kuripot nga ako dun ako kumain sa mura pero masarap.hehehe...

Balik na uli sa hotel. May agenda n ako bukas. Hiling ko na lang hindi na umulan. 8:21 na dito inaantok na ako pero lublob muna ako sa bath tub.hehehe...

Saturday, May 19, 2012

Pangako

Ako'y nangangako na bilang isang blogger, simula ngayon sisipagan ko na ang magsulat. Kahit walang kakwenta kwenta isusulat. Taos ko puso kong gagawin ang panatang ito wag lang langawin ang blog ko.lol

I'm back again! Sa higit 5 buwan hindi ko pagsusulat dito mukhang nakaligtaan ko na may blog pala ako. Sa totoo lang minsan kasi nakakatamad minsan ang magsulat lalo na kung sa tingin ko naman na wala akong magandang maibahagi sa isa kong taga-subaybay.

Pero ngayon talagang pipilitin kong magkaroon ng entry kahit isa sa loob ng isa buwan. Kaya sa bumabasa dito dalaw ka lang lagi.

May naisip pa ako kung sex stories kaya ang isulat ko madaming magbabasa? Kaso pano ko pala gagawin yun wala pa akong experience. :p

Hanggang sa muli. After 6 months siguro.

Saturday, January 21, 2012

Gabing Kay Saya

Lumipat ako nga bahay. Hindi na ako sa probinsya ng Sembawang nakatira. Doon ako sa may Geylang ako lumipat yung tinaguriang "Red Light District" dito sa bayan ni Merli. Buti na lang nasabi sa akin ng kaklase ko na may mababakante sa kanila. Medyo mahal ng konti sa dati ok lang at least matagal ang pahinga.

Dahil bagong lipat nga ako, (actually two weeks na pala) syempre may bagong makakasama sa bahay at pakikisamahan. Mababait naman silang lahat at madaling pakisamahan.

Kagabi niyaya ako ng kasama ko sa bahay na lumabas hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ayaw nyang sabihin. At dito nya ako dinala sa Altitude Bar sa pinakamataas na building dito sa Singapore at ito ang view.





Pagkatapos namin dito lipat naman kami sa orchard, doon sa may Orchard tower sa TOP5 kung saan nabusog ang aking mga mata sa mga Russian Pole dancers. No taking photos daw pero sumiple pa rin ako kaso yun nga lang hindi maayos ang kuha.



Tapos lipat na naman kami sa isa pang bar kung saan may mga kabayan naman na pwedeng magbigay serbisyo. Syempre hindi naman yun ang pakay namin. Kung hindi ang mag-enjoy lang.

Hindi pa natapos ang kasiyahan dun kasi pag dating sa bahay inom na naman. Ako na talaga ang manginginom ng taon.hahaha...