nuffnang

Friday, July 6, 2012

Nang Ako'y Mamhuket

2nd day - Makulimlim

Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.

Nagising n ako ng mga bandang alas-8, una kong ginawa ay sumilip sa may bintana upang tingnan ang lagay ng panahon. Hindi naman umuulan pero makulimlim ang kalangitan

Ligo ako agad para mag-ayos ng sarili at maglakad sa may dalampasigan.

Pag-labas ko ng aking tinutuluyan napadaan ako sa isang karinderya para mag-agahan. Nagtanong ako sa ale kung anong luto sa kanyang paninda ang hindi maanghang. So umorder ako ng talong at isda. Tama nga si ate hindi nga gaanong maanghang ang talong, para sa kanya oo sa akin hindi, umuusok na ang tumbong ko sa anghang langhiya. Wag sanang magparamdam si alma.

Patuloy sa paglalakad, makulimlim pa rin ang kalangitan. Nakaabot n ako sa dalampasigan. Hindi pa rin talaga ako nabighani sa ganda nito. Dahil siguro sa mga kalat na nakikita ko. Mukhang walang naglilinis doon para pulutin ang mga kalat. Sige maganda nga buhangin ng dalampasigan pero nawala ang ganda nito sa duming kahalo nito. Wala man lang akong makitang pwede kong lagyan ng latag upang maupo dahil bago ka maglatag e hahawiin mo muna ang mga dumi. Pwede naman umarkila ng beach chair pero sayang ang pero kung pwede naman sa buhangin lang maupo o mahiga.

Habang sa aking paglalakd hindi ko na namalayan na nakaabot na ako sa halos kabilang dulo ng dalampasigan at naisipan kong munang magkape at umupo. Wala starbucks sa sg kaya sinubukan ko.hahaha...Makulimlim pa rin.

Lakad uli ako pero dun na ako sa bandang kalsada naglalakad patingin-tingin sa mga tianggeng nadaanan. Kuripot nga ako hindi ako nakabili ng kahit ano. Hanggang nakarating ako muli sa dulo ng dalampasigan na aking pinagmulan at umupo sandali ng biglang tumawg ang aking ama upang mangamusta.

Biglang sumilip ang haring araw masaya ako at sana tuloy tuloy na.

Naisipan ko naman magpamasahe, ang traditional thai massage. Sabi ko kay ate kung pwede kong tanggalin ang aking shorts ok lang naman daw. Magaling syang magmasahe mabuti na lang hindi nagwala si junjun. Pero naisip ko din kung paano ito magwawala kung ginwaha mula sa sakit ng aking katawan ang aking nararamdaman.hehehe... Sulit ng subukan ko ang masahe kasi guminhawa naman ang pakiramdam ko. At biglang kumulimlim na naman ang kalangitan. Balik hotel na uli ako.

Nananalangin akong magpakita muli ang haring araw, ngunit pagkaraan ng ilang oras bumuhos si ulan. Kaya kulong na naman ako sa kwarto.

At sa pagkukulong ko, gumawa ako ng call me maybe video.hahaha...for my eyes only.

Nagutom ako sa paggawa ng video kaya naisipan kong mag-order ng pagkain sa kasamaang palad hindi na daw sila magluluto dahil sa sama ng panahon tiyak walang gaanong customer ang darating. Kaya labas na lang ako kumain.


No comments:

Post a Comment