nuffnang

Saturday, July 7, 2012

Nang Ako'y Mamhuket

3rd day - Alon

Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.

Maaga akong nagising sapagkat ito ang araw na ako ay mag phi phi island tour. Nasa lobby ako ng hotel upang mag-antay sa service na maghahatid sa amin sa may pier.

Mga 30 minutos din ang tinagal ng biyahe papuntang pier. Pagdating dun ay nag-antay din kami ng ilang minuto bago sumakay ng speed boat na gagamitin sa tour. Bago yun binalaan kami ng aming tour guide na medyo maalan ang karagatan kaya pinayuhan kaming uminom ng gamot kung kami ay mahiluhin. Hindi ako uminom nun sapagkat alam kong kaya ko naman. Sya nga pala nagparamdam ng bahagya ang haring araw.

Nagsimula na ang paglalakbay, nung umpisa ok pa naman ang alon pero ng tumagal heto na may malalaki nang alon at talaga nga naman mararamdaman mo ang bawat paghampas ng alon sa bangkang aming sinasakyan. Halos tinawag ko na ang lahat ng santo sa langit upang gabayan kami sa paglalakbay sapagkat hindi biro talaga ang mga alon na yun.

Hanggang sa makarating kami sa una naming destinasyon sa Maya Bay kung saan ginawa ang pelikula ni Leonardo di Caprio. Doon bahagyang nawala ang kaba ko. Talaga naman nakakabighani ang ganda ng tanawin doon. Nagtagal din kami ng mahigit 30minutos sa isla.

Heto na sumakay na naman kami hindi na naman ako matigil sa kadadasal dahil susuong na naman kami sa karagatan. Nakakatakot talaga ang alon.

Tumigil panandalian ang sinasakyan namin upang mag-snorkling ang karamihan. Ako nanonood na lang sa kanila. Pagkatapos nun takbo na naman ang sinasakyan namin papunta kung saan kami magtatanghalian. Sasagupa na naman sa alon. Maige na lang walang ulan at minsan nagpapakita ang haring araw.

Dumating ang tanghalian wow sarap ng pagkain buffet style eat all you can. Pero hindi ako makarami ng kain kasi baka maisuka ko. Pinipigilan ko lang ang hilong aking nararamdaman kasi nahihiya akong masuka.

Last stop namin sa Egg island. Nagtawag na naman ako ng mga santo dahil iba na talaga ang alon ng mga oras na 'to. Dito halos bumaligtad ang sikmura ko at parang naibalik ko uli ata ang suka ko kadiri.

Pag dating namin sa isla na alala ko 'to, yun yung isla kung saan ginananap ang isang challenge ng amazing race. Yung mag setup sila ng beach umbrellas and chairs. Dito ako nag-enjoy at naligo sa dagat.

Tapos na ang oras namin sa isla heto na naman balik laot na naman. Nawala na si haring araw isa lang ibig sabihin nito bubuhos ang ulan. Hindi nga ako nagkamali ang alon kanina ay may kasama ng ulan. Waaaahhhhh.... Dasal na naman ako na sana makarating kami ng ligtas sa pier. Medyo basa kami dahil sa ulan at medyo gawa na din ng alon.

Nakarating naman kami ng matiwas sa pier. Malamang kasi nasulat ko pa to.hehehe.... Siguro maeenjoy ko yun trip kung hindi ganun ang lagay ng panahon at kondisyon ng dagat. Kasi dun ko naramdaman na parang nasa hukay ang kalahati ng katawan ko.

Lesson learned wag ng manghinayang sa pera kung nararamdaman mong nasa bingit ka ng kamatayan.

1 comment: