1st day - Umuulan
Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang ang susubuk na bumasa at tatamarin lang.
Umalis ako ng singapore umuulan,dumating ako sa phuket ng umuulan din. Halos 30min pa muna sa himpapawid ang eroplano kung saan ako lulan bago ito tuluyang lumapag. Pagkalabas ko ng airport nagkalat bigla ang mga nag-aalok ng service transport sa destinasyon na tutuluyan mong hotel. Mas pinili ko ang mini-bus o van nilang tinatawag na 15 katao ang sakay at sa halagang 150Baht kumpara sa isahan ka lang na 600Baht.
Syempre alam nyo na kung bakit yung 150baht lang ang pinili ko kasi mas praktikal at likas lang na kuripot ako.hehehe... Inabot din ng halos isang oras bago ito umalis. Lalong lumalakas ang ulan.
Nagstop over yung sinasakyan namin na mini bus sa office nila. Hindi namin alam kung bakit yun pala e aalukin kami ng kung ano ano tour. Ang pinili ko na lang ay phi phi island tour, kung saan naishoot ang pelikula ni leonardo di caprio na the beach ata ang title nun. Maganda naman package kasi speedboat ang sasakyan at may kasamang buffet lunch at kung ano ano pang activities. Umalis na uli at umuulan pa rin.
Patuloy ang byahe papuntang hotel. Pag dating ko umuulan pa rin. Kaya buong maghapon nasa hotel lang ako.
Nung napansin ko na tumila lumabas ako at sinubukan puntahan ang beach. Mga 3mins walk lang naman ito mula sa hotel. Along the way tumitingin tingin na din na pwedeng gawin. Pag dating ko sa beach so so lang hindi ako ganun naimpress. Hindi maganda ang tubig dahil siguro ng umuulan. At hindi ko rin naman sya maicompare sa boracay kasi hindi pa naman ako nakakarating dun.
Patuloy sa paglalakad biglang umambon. Sa paglalakad ko may nadaanan akong nagtitinda nang inihaw naitry ko lang masarap naman.
Balik sa hotel, umuulan na naman. Salamat sa series na naidownload ko at may napapanood ako dito. Nakatapos ako ng 3 episodes. :)
Dinner time, opppssss hindi na umuulan lakad na naman ako.ibang ruta naman hahanap ng makakainan at pwedeng mapaglibangan. Dahil kuripot nga ako dun ako kumain sa mura pero masarap.hehehe...
Balik na uli sa hotel. May agenda n ako bukas. Hiling ko na lang hindi na umulan. 8:21 na dito inaantok na ako pero lublob muna ako sa bath tub.hehehe...
Enjoy at ingat dyan Saints. Blessing daw pag umuulan kaya marami kang blessings sa bday mo.
ReplyDeleteSolo flight in Thailand! Why not chocnut! Ingat ka dyan!! At wag ka mag-alala, magpapakita rin si haring araw sayo, di nya sasayangin ang iyong bakasyon! :)
ReplyDeleteHaberdei Santino!! Mwahuuuuugssss :*
naks, pumuphuks ang vacay nio ser.
ReplyDeletekahit medyo maulan, maeenjoy mo ang bakasyones mo sir, tc.