nuffnang

Sunday, August 19, 2012

Wala Lang

Gusto kong magblog pero hindi ko alam kung ano ang gusto kong isulat. 

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko dito sa Pinas naka higa, nagising ako sa ingay ng boses ng kaibigan ng tatay ko na puro mura ang lumalabas sa bibig. Naririnig ang ingay nga mga sasakyang nagdadaan. Ang kapitbahay namin na umagang-umaga na bumibirit ng "Ikaw" sa kanilang pinapaarkilang videoke. 

Iniisip ko pa kung anong pwede kong gawin maghapon. Binabalak ko sanang pumunta sa Maynila upang maglibot dahil tiyak hindi matutuloy ang lakad namin ng tatay ko dahil sa lasing na sya. Umagang-umaga ang tumutungga ng serbesa. 

Meron pa akong 7 araw bago ko bumalik sa bayan ni Merli.

Biruin nyo may naisulat din pala ako.

6 comments:

  1. Hi. First time here. Natuwa ako sa header mo. Kung ako yan, baka Tabatchoy on the go... The adventures of a fat man. hehe. Kahit saan ka ata tumira dito sa Pilipinas, meron at merong magvivideoke kahit anong oras.

    ReplyDelete
  2. salamat sa pagbisita mo mr. nightcrawler. :)

    ReplyDelete
  3. kuya naaliw ako sa pagka-kwento mo, pilipinong pilipino! :D

    ReplyDelete
  4. kung kapitbahay mo ko malamang magigising ka rin sa pagbirit ko hahaha chos!

    ReplyDelete
  5. Banal, andito ka pala!!

    enjoy your vacation! :)

    *Andaming exclamation point? haha.

    ReplyDelete