nuffnang

Sunday, September 16, 2012

Buhay Estupidyante

Haaayyyy....mahaba talagang haaaayyyy... 

Two weeks wala akong social life. At busy lang sa pagsagot ng exams, quiz at assignments na dapat tapusin hanggang October 3. Hindi makakasulyap sa F1 at ibig sabihin wala ding chance para mapanood ang Maroon 5. Duguang utak na naman magaganap e ke liit na nga.

Pero naka-oo nga pala ako sa mga kagrupo ko na sasama ako sa kanila sa inuman sa Biyernes nakakahiya naman kasing tumanggi minsan lang pati nila ako yayayain tatanggi pa. Puslit na lang ako ng maaga ang importante tumupad ako sa binitiwan kong "OO".  Hala mali "sure" pala ang sinabi ko hindi nga pala Pinoy ang kausap ko nun.hehehe...

O sya na next time na lang uli nai-singit ko lang ang pagsulat dito baka kasi amagin na naman. Hanggang sa muli aking blog. :)

10 comments:

  1. tama yon. wag sirain ang pinangakong oo,

    ReplyDelete
  2. Haha. Tama iyan. Huwag pabayaang amagin ang blog. Goodluck sa kung ano mang ginagawa mo ngayon.

    ReplyDelete
  3. nakakamiss din maging estudyante... kung wala lang akong baby mag-aaral ako ulit...

    www.forcehash.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mam try mong tumingin sa UPOU. Distance learning po sya hawak mo ang oras mo. :)

      Delete
  4. i agree. minsan kasi kapag umabsent ka sa inuman session, magiging ikaw ang topic. hehe

    ReplyDelete
  5. hehe tawa ako sa "nai-singit ko lang ang pagsulat dito baka kasi amagin na naman"

    sorry mababaw lang kaligayahan ko. hehe.

    ReplyDelete