Kahapon habang nanonood ako ng Umagang kay Ganda sa Ch2, nai-feature nila dun ang bagong ordinansa ng Lungsod ng Valenzuela.
Ito ay ang paggamit ng bayong o kahit anong shopping bag basta hindi plastic sa pamimili ng mga tao sa naturang lungsod. Ginawa ang ordinansang ito upang mabawasan ang paggamit ng mga plastic na nagdadagdag kalat sa atin kapaligiran at sa masamang epekto nito sa ating kalikasan.
Sa bawat paggamit ng mga mamimili at nagtitinda ng plastik ay may kaukulang parusa. At kung ika'y umabot na sa kasukdulan ng laging paglabag ika'y magmumulta at makukulong hanggang anim na buwan.
At sa panukalang ito ng lungsod ng Valenzuela ay napahanga nila ako sapagkat gumagawa sila talaga ng paraan upang makatulong sa kapaligiran at sa kalikasan. At natuwa din ako sa mga taong nasasakupan ng lungsod sapagkat nakikiisa sila sa ordinansa ng kanilang lugar.
Naumpisahan na ng Valenzuela, kelan kaya susunod ang iba? Sana umaksyon na din ang ibang mga lungsod at munisipalidad upang sa ikabubuti ng ating bansa.At tiyak simula nito makakatulong ang ating bansa at kapaligiran.