nuffnang

Tuesday, December 22, 2009

Merry Christmas Party

Mga repapips our company just celebrated the annual Christmas party last Friday. Masaya naman nasunod naman ang theme na Hollywood style kaso ang red carpet gawa lang sa felt paper. Akala ko dadanak ang dugo mabuti na lang hindi lumpleto ang “Magdalo Boys.” hehehe…Pero ok lang talaga naman nagbigay nang buong oras nila ang mga assigned organizers para mapaganda ang party.


Ang epal ko sa party isa ako sa in-charge sa raffle. Dahil I.T. ang trabaho ko kaya ginawa ko itong electronic para masabing hindi luto at mag mukhang hi-tech naman.hehehe…At dahil dyan isang babasaging pitsel ang nakuha ko pwede ng pagkanawan ng gin pomelo.Uso pa bay un?: ) Sayang nawala agad sa akin ang chance na makuha ang first prize na cell phone na nokia 6300.


Departments' Presentation

Accounting, Admin, HR, EO

Ang drama naman nila sa pagsayaw, remix of hot Korean Songs at tiyak alam nyo na kung ano yung mga yun. No neeed to elaborate.



Membership, Sales, PIDP, I.T., Satellite Offices Presentation

Last year winner sila. Remix ang tema ng department na ito remix of old and new dance songs. Pero ngayon tinalo sila ng ERS Deparment. Hindi kasi ako sumayaw…wapaks…


ERS, Road Safety, Service Center

And this year winner, naaangkop sa panahon at may current events pa. Ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao and scandal ni Hayden at Katrina with the tune of careless whisper syempre. Yun ata ang dahilan kaya nanalo sila.


Syempre ang pinakaiintay ng lahat ang pumili ng natatangi sa lahat, ang japorms sa lahat ng japorms, ang pangit sa lahat ng pangit, ang gwapo at maganda sa lahat ng gwapo at maganda atbp. Syempre bago pumili ng natatangi may 5 babae at 5 lalaking pinagpilian.



Naging apat na lng pala sila kasi umuwi na daw yung isa.


At ang limang kalalakihang pagpipilian. Yes mga repapips kasama ang inyong lingkod sa pinagpilaan ang friendly payatot of the neighborhood. Na busy sa pag-aayos ng electronic raffle at nagulat ng tinawag ang akin pangalan.

At ang nagwagi...



At isa pang malaking YES mga tol. Ako ang nagwagi ang payatot ng taon. Nabayaran ko ang mga hurado na ako ang piliin. Sa kasamaang palad ang cash prize na napanalunan ko ay mas mahal pa ang jacket na suot ko.bwahahaha... Kuripot talaga itong company namin walang tibay.joke! Kaya yun wala akong choice kung hindi pumasok pa rin ng 26 at jan 2. It was an experience for me kasi first time manalo ng payat sa mga ganun contest sa buhay. Next time sasali na ako sa Century Tuna Super Bods para sa mga payat.bwahahaha...





1 comment:

  1. wala akong masabi sa backdrop ng stage hehe. magagalet si kuya germs nyan -- moreducation.weebly.com

    ReplyDelete