nuffnang

Thursday, December 17, 2009

Holiday Without Pay

Next week pasko na, pero hindi ko man lang maramdaman kasi parang hindi pasko. Supposedly long weekend next week at yung last weekend of the year. Kaso sa kasamaang palad ang hindi umubra sa akin sa kin ang inaasam kong long weekend.

Kasi ba naman ang topak ba naman ng memo na nilabas ng HR sa last paragraph ay nakalagay "Employees are entitled to holiday pay for unworked legal or regular holidays provided they worked on the days immediately preceding the legal or regular holidays." WTF!!! Sa pagkabasa ko nun pucha gumuho ang mga plano ko for the holidays.

Nawala na naman ang pag-asa kong pumunta ng bolinao after christmas. Nagplano kasi ang barkada tapos hindi na naman ako makakasama. Peste talaga!

Tapos 25 nang hapon palang babalik na uli ako ng Manila para pumasok kinabukasan sa trabaho at ganun din ang mangyayari sa January 1, 2010. Hindi pa kasi ako entitled for leave kaya yun wala akong choice sayang din naman yung sweswelduhin. Kaya no long weekends and no out of town for me.

Mga kapamilya, kapuso at kabarkada christmas party nga pala namin bukas hollywood style (pero hindi mga mukhang pang-hollywood... :) ) with red carpet ang theme (kapag walang red carpet dadanak ang dugo...bwahahaha) Sana mabulag ko ang mga kaopisina ko dito para iboto ako para maging "Star of the Night" (kapal muks lang)...hehehe...Dadayain ko na lang boto nila, dagdag bawas. Kapag nagkataon na manalo ako absent na lang ako pwede na yung premyo na hindi pumasok.hehehe...Goodluck na lang sa akin.

No comments:

Post a Comment