nuffnang

Monday, August 3, 2009

Pagkalipas ng Dalawang Dekada


Madaming pasayalan dito sa Pinas na talaga naman gusto mong balik-balikan. Na dyan ang malls, parks, beaches, zoos, etc. Kapag zoo ang pag-uusapan ano ba ang pinaka sikat sa atin? Syempre nadyan ang nag-iisa at walang kapantay na pang masa ang "Manila Zoo".

Halos dalawang dekada na ang nakakalipas nung huling punta ko sa Manila zoo kinder pa ata ako nun (wag nyo ng itanong kong anong edad ko...hehehe). Ito rin ay isa sa aming pasayalan noong kami'y mga bata pa, kung saan kita ko sa larawan dun sa photo album ko (ang nag-iisang natira dahil naanod ng baha ang kanila) na buong pamilya ay nasa zoo.

Lagi kong naiisip kung ano na ang ang pagbabago sa lugar na minsan ay aking napuntahan? Buhay pa kaya ang ibang mga hayop na aking nakita noong ako''y bata pa? Yung giraffe kaya sa background ng picture hanggang ngayon kaya e na doon pa rin at buong sigla na dagdag atraksyon sa zoo?



Sa wakas pagkalipas ng dalawampu't taon nakabalik na din ako sa Manila zoo...Yehey! Kasama ang aking kinikilalang pamilya sa Pureza isang maligayang linggo ang naganap pagkatapos ng ilang araw na pagbuhos ng ilan dahil sa bagyong kiko. Sabi nga ni Tita Yeye tiyak na mag-eenjoy ang makulit na bata na si Lego na mukhang bondying sa laki dahil 5yrs old lamang sya na napagkakamalang grade3.

Ang sayang lang hnd na nakita ni lego ang giraffe
na dati kong nakita kaya nag-tiyaga
na lang sya magpa-picture sa batong giraffe.




Madaming nangyari sa aking pagbabalik sa aking kinagisnan na pasyalan.

Ang aking first time na makahawak ng sawa at maramdaman
ang kanyang mainit na katawan habang ito'y gumagalaw.



Dahil sa first kong sumagwan ang aking napala...
sakit ng braso. :(



Bumalik ako sa akin pagkabata, na masubukan kong uli
ang magpadulasan. Sa padulasan na hnd katulad
nang dati na mataas.



Sa aking palagay hindi lang ang bata ang nag-enjoy, kundi kami ring mga may edad na, na minsan ay naging bata.



Sana nag-enjoy kayo sa unang blog ko... sa uulitin ... :)

No comments:

Post a Comment