Sa Trabaho
Umaatake na naman si Kuya sa trabaho kanina. Hindi ko na naman mawarian kung ano ang gusto nya. Sala sa init sa lamig ang gusto nyang mangyari sa mga requests na dumadating sa amin. Dati okay lang na wala, ngayon hinahanap na nya. Ano ba talaga kuya? Nakakainit ka ng dugo.
Sa Bahay
May bago kaming housemates mag-tatay. Si tatay 17 years na dito sa bayan ni Merli si anak naman bago lang at medtech ang trabaho. Ang tinamaan na magaling kong karoommate iniintriga si anak dahil mukhang diwata daw ito.
Sa Pag-aaral
Tapos na ang sem may social life na uli ako sana. :)
Sa puso
uuuuyyyyy.....abangan...
nuffnang
Showing posts with label life. Show all posts

Wednesday, October 3, 2012
Sunday, September 16, 2012
Buhay Estupidyante
Haaayyyy....mahaba talagang haaaayyyy...
Two weeks wala akong social life. At busy lang sa pagsagot ng exams, quiz at assignments na dapat tapusin hanggang October 3. Hindi makakasulyap sa F1 at ibig sabihin wala ding chance para mapanood ang Maroon 5. Duguang utak na naman magaganap e ke liit na nga.
Pero naka-oo nga pala ako sa mga kagrupo ko na sasama ako sa kanila sa inuman sa Biyernes nakakahiya naman kasing tumanggi minsan lang pati nila ako yayayain tatanggi pa. Puslit na lang ako ng maaga ang importante tumupad ako sa binitiwan kong "OO". Hala mali "sure" pala ang sinabi ko hindi nga pala Pinoy ang kausap ko nun.hehehe...
O sya na next time na lang uli nai-singit ko lang ang pagsulat dito baka kasi amagin na naman. Hanggang sa muli aking blog. :)
Sunday, August 19, 2012
Wala Lang
Gusto kong magblog pero hindi ko alam kung ano ang gusto kong isulat.
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko dito sa Pinas naka higa, nagising ako sa ingay ng boses ng kaibigan ng tatay ko na puro mura ang lumalabas sa bibig. Naririnig ang ingay nga mga sasakyang nagdadaan. Ang kapitbahay namin na umagang-umaga na bumibirit ng "Ikaw" sa kanilang pinapaarkilang videoke.
Iniisip ko pa kung anong pwede kong gawin maghapon. Binabalak ko sanang pumunta sa Maynila upang maglibot dahil tiyak hindi matutuloy ang lakad namin ng tatay ko dahil sa lasing na sya. Umagang-umaga ang tumutungga ng serbesa.
Meron pa akong 7 araw bago ko bumalik sa bayan ni Merli.
Biruin nyo may naisulat din pala ako.
Monday, July 9, 2012
29
Tiyak madami na kayong nababasa na ganitong tema ng sulatin, yung mga tipong "ten things (o kahit ilan pa yun) you should know about me". Ngayon ako naman ang gagawa nang may maisulat naman ako. Nagawa ako na din naman dati yung slumbook blog ko dagdagan ko lang ngayon. :)
Tiyak sakit sa ulo nito upang mapagtagumpayan ko ang dalawapu't siyam.
29. Ayoko ng amoy ng sigarilyo kasi madalas akong mabahing o sipunin kapag naaamoy ko 'to. So ibig sabihin nun smoker ako. Sensya na sa mga smoker kong friend. ;)
28. Ayoko ng masyadong maingay kasi madali akong mairita.
27. Praning akong tao. Madali akong mag-panic kahit alam ko naman na hindi dapat. Baliw lang?
26. Isa akong torpe. Ang sabi ng mga kaibigan kong nakakakilala ng lubos sa akin mataas lang ang standards ko. Pero ang totoo nyan wala akong pang date.hahaha...
25. Kung sa tingin nyo na suplado ako, hindi yun totoo. Isa lang po akong mapagkumbabang tao. Mahiyain lang po ako.
24. Payat man akong tao pero malaki ang .... ko. Fill in the blanks na lang. ;)
23. Dati akong 50kgs ngayon 67kgs na ako.
22. Nag ggym ako pero hindi tuloy tuloy mga 2yrs na. Pero feeling ko mabagal ang development.
21. Umiihi pa ako sa kama hanggang age of 12. Ngayon...hmmmm...censored...
20. Natuto akong magluto simula ng mapunta ako dito sa bayan ni Merli. Salamat sa mga recipe online.
19. Paborito kong ulam ay yung may gata, baka napupurga na ang kasama ki sa bahay sa mga niluluto ko. Pati alamang basta wag lang gaanong maanghang.
18. Gusto ko sa pagkain masarsa at masabaw. Kaya siguro sabaw na rin utak ko.hahaha..
17. Hindi ako mahilig sa chocs kahit anong sobrang tamis, kumain man ako may katabi na ako agad na maligamgam na tubig para mainom. Mahirap ng magka-tonsilitis nilalagnat ako.
16. Mahilig akong manood ng TV series. (grey's anatomy, true blood, etc)
15. Ako ay isang gwapong nerd. (ang umangal may sapok)
14. Paborito kong subject simula grade school to college ay math basta may computations love ko at boploks ako sa english.
13. Mahilig akong kumanta. Madalas akong sing and dance sa umaga habang naliligo to start my day right.
12. Hindi ako marunong lumangoy kaya takot ako kapag nakasakay ako sa bangka at maalon. Pero narerelax ako kapag nagpupunta ako sa beach.
11. Hindi ako mapormang tao yung tipong tama lang yung presentable naman tingnan. Wag lang hubo.hehehe
10. Mas komportable ako kung boxers at sando lang ang suot ko sa bahay at kapag matutulog na ako. Boxers o brief? Boxer briefs kapag may pasok sa trabaho o lalabas ng bahay, boxers kapag nasa bahay at matutulog na.
9. Mahaba ang pasensya ko pero kapag nasagad pasensyahan na lang. Tapang db?
8. Takot ako sa karayom kaya kapag nagpapablood test ako o injection hindi ko tinitingnan.
7. Takot ako sa kuting kaya kapag nanganak ang pusa namin at nakita kong nakakalat ang kuting nya sa ibabaw ng sala seat ako naglalakad.
6. Kuripot ako yun ang totoo. Mahirap lang walang madukot kapag biglang kailanganin.
5. Korny daw ako pero may mga pronsipyo lang ako na sadyang iba sa karamihan.
4. Mapagbigay akong tao lalo na kapag sa mahalagang bagay gagamitin.
3. 14 years of my life Mama's boy ako.
2. Natuto akong maging responsable at pahalagahan ang buhay sa murang edad na kinse.
1. 29 na ako :)
Happy birthday to me, happy birthday to me, happy birthday happy birthday!!!(top of my lungs) Happy birthday to me!!!
Salamat Lord for the past wonderful 28 years of my life and more years to come. Maraming salamat po sa mga blessings at sa maagang pa-bday. :)
Sa mga bumati ng advance maraming salamat.

Sunday, July 8, 2012
Nang Ako'y Mamhuket
4th day - Araw at Ulan
Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.
Gumising ako na umaasa sa huling araw ng aking paglalakbay ay sumikat si haring araw.
Hindi nya naman ako binigo nagpakita naman sya. Dali dali akong nag-ayos ng aking sarili upang pumunta sa dalampasigan. Laging ng sunblock suot ng shades ready na para akin beach get-up.
Pumunta ako sa dalampasigan na may ngiti sa labi sapagkat dahil nangangalit ang init. Lakad lakad uli ako. Naghahanap ng magandang pwesto na pwede akong magpahinga at magpiktyur piktyur.
Habang ine-enjoy ko ang akong pagpapahinga nakita ko sa may kalayuan na papalapit ang makapal at maitim na ulap. Isa lang ang ibig sabihin nun muling bubuhos ang ulan. Natabunan na ang init ni haring araw kaya dali dali akong nagligpit ng gamit upang umalis. Binilisan ko ang paglalakad ngunit inabutan pa rin ako ni ulan.
Balik hotel na naman ko at nagkulong na lang uli. Nagbasa na lang ako at sumagot sa discussion board (nerdy stuffs).
Datapwat puro ulan man dito sa pinuntahan ko at least napahinga naman ako kahit papano. Ayos na din. ;)
Lord thank you for this trip because with your blessings na binigay nyo this past year kung wala po yun hindi ko magagawa 'to. Sana madami pa po this coming year (may nauna na nga pala...early present) at sa mga susunod pang taon. :)
See you tomorrow Singapore!

Saturday, July 7, 2012
Nang Ako'y Mamhuket
3rd day - Alon
Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.
Maaga akong nagising sapagkat ito ang araw na ako ay mag phi phi island tour. Nasa lobby ako ng hotel upang mag-antay sa service na maghahatid sa amin sa may pier.
Mga 30 minutos din ang tinagal ng biyahe papuntang pier. Pagdating dun ay nag-antay din kami ng ilang minuto bago sumakay ng speed boat na gagamitin sa tour. Bago yun binalaan kami ng aming tour guide na medyo maalan ang karagatan kaya pinayuhan kaming uminom ng gamot kung kami ay mahiluhin. Hindi ako uminom nun sapagkat alam kong kaya ko naman. Sya nga pala nagparamdam ng bahagya ang haring araw.
Nagsimula na ang paglalakbay, nung umpisa ok pa naman ang alon pero ng tumagal heto na may malalaki nang alon at talaga nga naman mararamdaman mo ang bawat paghampas ng alon sa bangkang aming sinasakyan. Halos tinawag ko na ang lahat ng santo sa langit upang gabayan kami sa paglalakbay sapagkat hindi biro talaga ang mga alon na yun.
Hanggang sa makarating kami sa una naming destinasyon sa Maya Bay kung saan ginawa ang pelikula ni Leonardo di Caprio. Doon bahagyang nawala ang kaba ko. Talaga naman nakakabighani ang ganda ng tanawin doon. Nagtagal din kami ng mahigit 30minutos sa isla.
Heto na sumakay na naman kami hindi na naman ako matigil sa kadadasal dahil susuong na naman kami sa karagatan. Nakakatakot talaga ang alon.
Tumigil panandalian ang sinasakyan namin upang mag-snorkling ang karamihan. Ako nanonood na lang sa kanila. Pagkatapos nun takbo na naman ang sinasakyan namin papunta kung saan kami magtatanghalian. Sasagupa na naman sa alon. Maige na lang walang ulan at minsan nagpapakita ang haring araw.
Dumating ang tanghalian wow sarap ng pagkain buffet style eat all you can. Pero hindi ako makarami ng kain kasi baka maisuka ko. Pinipigilan ko lang ang hilong aking nararamdaman kasi nahihiya akong masuka.
Last stop namin sa Egg island. Nagtawag na naman ako ng mga santo dahil iba na talaga ang alon ng mga oras na 'to. Dito halos bumaligtad ang sikmura ko at parang naibalik ko uli ata ang suka ko kadiri.
Pag dating namin sa isla na alala ko 'to, yun yung isla kung saan ginananap ang isang challenge ng amazing race. Yung mag setup sila ng beach umbrellas and chairs. Dito ako nag-enjoy at naligo sa dagat.
Tapos na ang oras namin sa isla heto na naman balik laot na naman. Nawala na si haring araw isa lang ibig sabihin nito bubuhos ang ulan. Hindi nga ako nagkamali ang alon kanina ay may kasama ng ulan. Waaaahhhhh.... Dasal na naman ako na sana makarating kami ng ligtas sa pier. Medyo basa kami dahil sa ulan at medyo gawa na din ng alon.
Nakarating naman kami ng matiwas sa pier. Malamang kasi nasulat ko pa to.hehehe.... Siguro maeenjoy ko yun trip kung hindi ganun ang lagay ng panahon at kondisyon ng dagat. Kasi dun ko naramdaman na parang nasa hukay ang kalahati ng katawan ko.
Lesson learned wag ng manghinayang sa pera kung nararamdaman mong nasa bingit ka ng kamatayan.

Friday, July 6, 2012
Nang Ako'y Mamhuket
2nd day - Makulimlim
Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang. Babala sa mga magbabasa mawawalan kayo ng gana.
Nagising n ako ng mga bandang alas-8, una kong ginawa ay sumilip sa may bintana upang tingnan ang lagay ng panahon. Hindi naman umuulan pero makulimlim ang kalangitan
Ligo ako agad para mag-ayos ng sarili at maglakad sa may dalampasigan.
Pag-labas ko ng aking tinutuluyan napadaan ako sa isang karinderya para mag-agahan. Nagtanong ako sa ale kung anong luto sa kanyang paninda ang hindi maanghang. So umorder ako ng talong at isda. Tama nga si ate hindi nga gaanong maanghang ang talong, para sa kanya oo sa akin hindi, umuusok na ang tumbong ko sa anghang langhiya. Wag sanang magparamdam si alma.
Patuloy sa paglalakad, makulimlim pa rin ang kalangitan. Nakaabot n ako sa dalampasigan. Hindi pa rin talaga ako nabighani sa ganda nito. Dahil siguro sa mga kalat na nakikita ko. Mukhang walang naglilinis doon para pulutin ang mga kalat. Sige maganda nga buhangin ng dalampasigan pero nawala ang ganda nito sa duming kahalo nito. Wala man lang akong makitang pwede kong lagyan ng latag upang maupo dahil bago ka maglatag e hahawiin mo muna ang mga dumi. Pwede naman umarkila ng beach chair pero sayang ang pero kung pwede naman sa buhangin lang maupo o mahiga.
Habang sa aking paglalakd hindi ko na namalayan na nakaabot na ako sa halos kabilang dulo ng dalampasigan at naisipan kong munang magkape at umupo. Wala starbucks sa sg kaya sinubukan ko.hahaha...Makulimlim pa rin.
Lakad uli ako pero dun na ako sa bandang kalsada naglalakad patingin-tingin sa mga tianggeng nadaanan. Kuripot nga ako hindi ako nakabili ng kahit ano. Hanggang nakarating ako muli sa dulo ng dalampasigan na aking pinagmulan at umupo sandali ng biglang tumawg ang aking ama upang mangamusta.
Biglang sumilip ang haring araw masaya ako at sana tuloy tuloy na.
Naisipan ko naman magpamasahe, ang traditional thai massage. Sabi ko kay ate kung pwede kong tanggalin ang aking shorts ok lang naman daw. Magaling syang magmasahe mabuti na lang hindi nagwala si junjun. Pero naisip ko din kung paano ito magwawala kung ginwaha mula sa sakit ng aking katawan ang aking nararamdaman.hehehe... Sulit ng subukan ko ang masahe kasi guminhawa naman ang pakiramdam ko. At biglang kumulimlim na naman ang kalangitan. Balik hotel na uli ako.
Nananalangin akong magpakita muli ang haring araw, ngunit pagkaraan ng ilang oras bumuhos si ulan. Kaya kulong na naman ako sa kwarto.
At sa pagkukulong ko, gumawa ako ng call me maybe video.hahaha...for my eyes only.
Nagutom ako sa paggawa ng video kaya naisipan kong mag-order ng pagkain sa kasamaang palad hindi na daw sila magluluto dahil sa sama ng panahon tiyak walang gaanong customer ang darating. Kaya labas na lang ako kumain.

Thursday, July 5, 2012
Nang Ako'y Mamhuket
1st day - Umuulan
Ang inyong mababasa ay isang kathang isip lamang ang susubuk na bumasa at tatamarin lang.
Umalis ako ng singapore umuulan,dumating ako sa phuket ng umuulan din. Halos 30min pa muna sa himpapawid ang eroplano kung saan ako lulan bago ito tuluyang lumapag. Pagkalabas ko ng airport nagkalat bigla ang mga nag-aalok ng service transport sa destinasyon na tutuluyan mong hotel. Mas pinili ko ang mini-bus o van nilang tinatawag na 15 katao ang sakay at sa halagang 150Baht kumpara sa isahan ka lang na 600Baht.
Syempre alam nyo na kung bakit yung 150baht lang ang pinili ko kasi mas praktikal at likas lang na kuripot ako.hehehe... Inabot din ng halos isang oras bago ito umalis. Lalong lumalakas ang ulan.
Nagstop over yung sinasakyan namin na mini bus sa office nila. Hindi namin alam kung bakit yun pala e aalukin kami ng kung ano ano tour. Ang pinili ko na lang ay phi phi island tour, kung saan naishoot ang pelikula ni leonardo di caprio na the beach ata ang title nun. Maganda naman package kasi speedboat ang sasakyan at may kasamang buffet lunch at kung ano ano pang activities. Umalis na uli at umuulan pa rin.
Patuloy ang byahe papuntang hotel. Pag dating ko umuulan pa rin. Kaya buong maghapon nasa hotel lang ako.
Nung napansin ko na tumila lumabas ako at sinubukan puntahan ang beach. Mga 3mins walk lang naman ito mula sa hotel. Along the way tumitingin tingin na din na pwedeng gawin. Pag dating ko sa beach so so lang hindi ako ganun naimpress. Hindi maganda ang tubig dahil siguro ng umuulan. At hindi ko rin naman sya maicompare sa boracay kasi hindi pa naman ako nakakarating dun.
Patuloy sa paglalakad biglang umambon. Sa paglalakad ko may nadaanan akong nagtitinda nang inihaw naitry ko lang masarap naman.
Balik sa hotel, umuulan na naman. Salamat sa series na naidownload ko at may napapanood ako dito. Nakatapos ako ng 3 episodes. :)
Dinner time, opppssss hindi na umuulan lakad na naman ako.ibang ruta naman hahanap ng makakainan at pwedeng mapaglibangan. Dahil kuripot nga ako dun ako kumain sa mura pero masarap.hehehe...
Balik na uli sa hotel. May agenda n ako bukas. Hiling ko na lang hindi na umulan. 8:21 na dito inaantok na ako pero lublob muna ako sa bath tub.hehehe...

Saturday, May 19, 2012
Pangako
Ako'y nangangako na bilang isang blogger, simula ngayon sisipagan ko na ang magsulat. Kahit walang kakwenta kwenta isusulat. Taos ko puso kong gagawin ang panatang ito wag lang langawin ang blog ko.lol
I'm back again! Sa higit 5 buwan hindi ko pagsusulat dito mukhang nakaligtaan ko na may blog pala ako. Sa totoo lang minsan kasi nakakatamad minsan ang magsulat lalo na kung sa tingin ko naman na wala akong magandang maibahagi sa isa kong taga-subaybay.
Pero ngayon talagang pipilitin kong magkaroon ng entry kahit isa sa loob ng isa buwan. Kaya sa bumabasa dito dalaw ka lang lagi.
May naisip pa ako kung sex stories kaya ang isulat ko madaming magbabasa? Kaso pano ko pala gagawin yun wala pa akong experience. :p
Hanggang sa muli. After 6 months siguro.
I'm back again! Sa higit 5 buwan hindi ko pagsusulat dito mukhang nakaligtaan ko na may blog pala ako. Sa totoo lang minsan kasi nakakatamad minsan ang magsulat lalo na kung sa tingin ko naman na wala akong magandang maibahagi sa isa kong taga-subaybay.
Pero ngayon talagang pipilitin kong magkaroon ng entry kahit isa sa loob ng isa buwan. Kaya sa bumabasa dito dalaw ka lang lagi.
May naisip pa ako kung sex stories kaya ang isulat ko madaming magbabasa?
Hanggang sa muli. After 6 months siguro.
Thursday, October 27, 2011
2011-82099
Finally nakapag-enroll na din. Wala lang nga ako sa campus pero ok lng at least matutupad ko na ang gusto kong magkaroon ng Master's degree.
Akala ko hindi ako matatanggap kasi hindi naman ako magaling gumawa ng essay sinigurado ko lang na 500 words lang contents at may isang 5 pa sa transcript ko.
Pero at least thankful pa din ako at natanggap.
Buhay estudyante will start next month.

Published with Blogger-droid v1.7.4
Tuesday, October 11, 2011
Umagang Kay Sikip
Araw araw akong sumasakay sa yellow line ng mrt station dito sa bayan ni merli. Nang dumating ako sa platform ng Bishan interchage ito ang bumulaga sa akin ay ang larawang inyong nakikita.
Nakumpleto n ang linya ng nrt ng cirle line at pinasinayaan ang pagbubukas nito noong nakaraan na sabado.
Sana magawan agad ng paraan ng pamunuan ng smrt na sana dagdagan pa nila ang train nila na babyahe sa oras ng rush hour.
Nakumpleto n ang linya ng nrt ng cirle line at pinasinayaan ang pagbubukas nito noong nakaraan na sabado.
Sana magawan agad ng paraan ng pamunuan ng smrt na sana dagdagan pa nila ang train nila na babyahe sa oras ng rush hour.
Published with Blogger-droid v1.7.4
Friday, October 7, 2011
Nagbabalik
Matagal-tagal na din pala akong hindi nagsusulat dito sa blog ko. Kinukulit na nga ako ng dalawa kong malapit na kaibigan at masugid na taga-subaybay na buhayin ko naman daw ang natutulog kong puso este blog pala. Kaya heto naisipan ko na muling magsulat ng walang kakwentang kwentang bagay.
Halos 3 buwan na din simula nung magsimula ako sa bago kong trabaho dito sa bayan ni Merli. Dito sa nilipatan kong trabaho mas madaming tao at syempre madami ding pakikibagayan. Sa loob loob ko mas ok na yun kesa naman mapanisan ako ng laway.
Busy busyhan ang drama ko nung nagsimula ako sa trabaho ko. paBibo epek lang para naman malaman ng boss kong tumanggap sa akin na dedicated ako sa trabaho ko at hindi sya nagkamali ng sa pagkuha sa akin. Gusto kong maging permanent sa trabaho ko at kahit may topak ang nagtuturo sa akin sa trabaho.
Sa pananahimik ko din sa mundo ng blog madami din nangyari sa buhay ko at blessings na dumating.
Promote lang, excited na ako sa kris kringle ng mga PInoy-SG bloggers dito sa SG syempre. Binuhay ko ang blog ko baka hindi nila ako isali kasi matagal na nahimlay ang blog ko.hehehe…
Sa mga bumibisita sa blog ko, salamat. Sya nga pala wala ng part 2 yung instagram pics ko. ;)
Tuesday, July 26, 2011
Sa Likod ng mga Larawan Pt.1
Nakalimutan ko may blog nga pala ako. Medyo matagal bago nasundan dahil medyo busy sa mga bagay bagay sa buhay. (Feeling ko lang madami akong followers at nagbabasa...lol).
Gusto ko lang i-share ang bawat kwento sa likod ng larawang aking nai-post sa Instagram.
Ito ang unang attempt kong lutuin dito sa bayan ni Merli "buttered shirmp". Madali nmn syang lutuin at kahit papano tama naman at ang timpla ng luto ko at naubos ko naman.
Ito ang agahan ko bago ako magsimba ng alas-9 ng umaga sa St. Anthony. Dahil may kita-kita ang mga Pinoy SG Bloggers ng araw na yun kailangang magsimba at magpasalamat sa Poong Maykapal.
Creepy dito sa MRT station na ito kasi as in ako lang mag-isang naglalakad dito na parang hnd naman normal dito sa bayan ni merli lalo na sa ganitong uri ng lugar.
Nasa trabaho ako nito nag-aantay ng tawag kung natanggap ako sa balak kong lipatan na trabaho. Kasi isang linggo na ang nakalipas nung araw na ininterbyu nila ako. Nakakapraning ang mag-antay...
P.S. Umandar ang katamaran ko, kaya puputulin ko muna ang post na ito. Mamaya na lang uli para masaya at dumami naman ang post ko dito.hehehe...
Wednesday, May 4, 2011
Isang Buwan
Sadyang napakabilis ng panahon, biruin nyo nga naman naka-isang buwan na pala ang payatot dito sa bayan ni Merli. Isang buwan ng umaatikabong bakbakan at pakikipagsapalaran sa buhay (yown o aksyon star).
Gaya ng karamihan isa lang ang pakay ko sa pagpunta dito, ang makapaghanap ng maayos na trabaho at sweldo. Kahit malayo sa pamilya titiisin na lang makatulong lang sa kanila. (emo mode!)
At malapit na ito malapit na malapit na...Konting hinga na lang at mapapasaakin ka na. :)
Salamat na lang din sa mga kaibigan at bagong kaibigan na tumutulong sa akin para mapagtagumpayan ako sa balak ko dito.
Sya nga pala i had my first haircut dito sa bayan ni Merli.
Monday, April 18, 2011
Ikalawang Linggo...
April 11
Nai-blog ko ata (hindi sure?lol...memory lapsed minsan) ang tungkol sa unang linggo ko dito sa bansa kung nasan si Merli...Nag tigil buong mag-hapon at nakatanggap ang ng paanyaya mula kay bulakbolerosasg ng kita-kita ng mga Pinoy bloggers dito sa Singapore sa darating na Huwebes. At sa kadahilanang hindi ko na makayanan ang bagot dito sa bahay na tinitigilan ko naisipan kong mag-gym para magkalaman naman ang buto ko.
April 12
Dating gawi nasa bahay lang ako at bilang naghahanap ng trabaho dito nag-email na naman ang ng sandamakmak na cover letter at resume ko. AT pagkatapos naglaba at nag-grocery nang pagkain ko dito na hanggang ngayon e hindi ko pa nakakain ang iba.
April 13
Spell B - O - R - E - D
April 14
Dumating ang araw na pagkikita ng mga Pinoy Bloggers dito sa Singapore and lokasyon sa Ikea Tampines. Ang pagpunta ko dun mrt green line, yellow line, purple line. Kasama si bulakbolero at sam nag-aantay ng bus at pagkalipas ng halos trenta minutos nakasakay din kami at ang dapat na sampung minuto na pagpunta dun mula sa sengkang ay inabot kami halos isang oras at nakatayo lang kami sakit sa binti nun. Pero ok lang kasi nakilala ko ang mga taong ito...
April 15
Nakatanggap ng tawag mula sa agency para sa oryentasyon na gaganapin bukas para sa interbyu sa lunes. Hindi umalis maghapon pero gabi naman gumala. Nang dahil sa kulitan sa twitter nagkayayaan na mag-inom. At umuwi sa bahay ng bandang alas-dos ng madaling araw April 16. :) Salamat sa serbesa at pulutan at sa taxi...Sa susunod ako taya alam nyo na kung kelan yun. :)
April 16
Gumising ng maaga pero ganun pa rin ang ginagawa. Umalis ng alas-12 para pumunta sa agency at umuwing pagod.
April 17
Linggo ng palaspas at obligasyon ko bilang katoliko ang magsimba bago kung ano pang gawin ko sa araw na iyon. Pagkatapos diretso ako sa Lucky Plaza para makipagkita sa dalawa kong kaibigan para kumain ng tanghalian. At nagulat ako sa aking nakita sa sobrang daming pinoy sa lugar na yun tuwing araw ng linggo. Pagkatapos kumaripas na naman ako papuntang M hotel sa Anson Rd upang manood ng pelikula ni Anne at Luis na "Who's that Girl" at salamat uli kay Gasul sa paanyaya. Pero bago palang nagsisimula ang pelikula e tumawag ang ang kaibigan ako at may naganap na hindi inaasahan. Yun tuloy hindi ko natapos ang palabas bago pa lang ang tumatawa e.
Umuwi uling pagod pero okie lang nakapaglibot uli ang payat. :)
Panibagong linggo muli ang magsisimula para sa pakikipagsapalaran ko dito sa bayan ni Merli. Sana dumating na inaantay ko. ;)
Monday, April 11, 2011
In Just A Week
Arrival...
Arrived at Singapore at around 11:55 Monday night April 4.
Kumain ng Indian food sa baba ng tinitirhan ko dito. No offense hindi ko nagustuhan prata ata yun then dip into curry sauce. Pero salamat kay Ralph for the welcome food.
Nakatulog na ng around 4am April 5.
April 5
Morning...
Woke up around 10. Ride my first bus no. 222 and paid using coins.
Pumunta ng Bedok tapos naggala within the area at nagpapalit ng local currency.
Afternoon...
Sasakay ng MRT going to Tampines Mall at doon nag-lunch.
The Only Card used in riding the bus and MRT
Around 4pm nakipagkita sa High School friends we had dinner after that we went to Boon Lay Mall. the travel time from Boon Lay to Bedok almost one hour at nakasakay na ako ng MRT nun.
April 6
Natahimik muna dito sa bahay na usual routine look for a job online. afternoon went to the gym to stay on my thin shape.lol.
Then after gym lamon to the max na naman ang ginawa namin ni Ralph.
Para matunaw agad ang kinain naglakad from Fair Price papuntang bahay for almost 10mins. Pero pagdating sa bahay busog pa rin kaya late na naman natulog.
April 7
Went to International Plaza to look for a prospect company kung saan pwedeng magtrabaho. Para madali ang aking paghahanap i took a picture of the building's directory then pagdating dito sa bahay i it checked online yung website nila.
International Plaza Company Directory
Pumunta na sa Plaza Singapura to meet another friend of mine habang nag-aantay kumain Sa Mc Donalds kasi wala atang Mcdo sa pinas.lol
Habang nag-aantay pa sa ibang kaibigan nagpunta muna kami sa Marina Bay. Thanks to Christian for the Starbucks.
Then after starbucks nagpunta na kami sa may bandang Orchard Road. And dinner with Jemega, Rachelle and Christian, salamat sa libre.
April 8
Nagtigil lang sa bahay maghapon.
April 9
Gumala na naman nagpunta sa Queensway after that to Vivo City and Harbour Centre almost to go to Sentosa pero biglang umulan ng malakas. Mabuti na lng hindi kami tumuloy kasi tiyak para kaming basang sisiw nagkataon.
So my friend and I just eat dinner.
Horfan Seafood just like what i ate last tuesday
April 9
Gumising ng maaga to go to church pumunta mag-isa sa Novena Church and I'm learning the means of transportation here in Singapore. And I'm enjoying my stay here and still learning the culture of the country.
Friday, March 4, 2011
Last Day...
Sa aking pagtatrabaho sa Automomobile Association of the Philippines bilang Database Specialist sideline I.T. sa loob ng 2 taon madami akong natutunan. Maraming nakilalang tao at bawat isa sa kanila ay natutunan ako.
Maraming salamat sa aking mga katrabaho dahil masaya ang aking panahon na aking nailagak sa AAP na kasama kayo. Sa bawat saya at lungkot ay kahit papano madadala ko saan man ako magpunta.
Salamat din dahil sa AAP dahil binigyan nila ako ng pagkakataon na ipamalas sa kanila ang aking kakayanan bilang isang empleyado. At dito rin nahubog ang aking pagkatao bilang isang trabahador sa pangalawang pagkakataon.
Summer Outing 2009
Saturday, February 5, 2011
Standing Ride Only
Hindi ko maitindihan sa mga driver ng bus kung bakit pilit pa silang nagpapasakay kahit alam na nilang nakatayo na lahat ng pasakero. Di ba karapatan naman ng bawat pasahero na magkaroon ng maayos na biyahe?
Bakit kaya hindi maglabas ng patakaran ang MMDA na bawal ang nakatayo ang mga pasahero ng bus. Parang eroplano lang kung ilan ang capacity ng eroplano yun lang nag pinasasakay nila o kaya ng barko bawal ang over passenger.
Kaya nga dba kinukuha ng total capacity ng sasakyang pang-publiko sa bawat rehistro nila ng sasakyan sa LTFRB para sa kanila prangkisa. Bakit simpleng bagay hindi sila makasunod.
Siguro may kasalanan din naman nag mga pasahero kasi kung alam na nila puno na bakit pilit pa nilang sinisiksik ang sarili nila kung alam naman nilang may mga darating pang ibang bus.
Haaayyyy...sino ba dapat ang sisisihin ko? Ang bus o ang mga taong pasaway din....
Sunday, January 2, 2011
Thank You
Thank you LORD noong 2010...
- Sa masayang buhay na naranasan ko sa 2010.
- Sa mabuti at mapagmahal na pamilya.
- Sa masaya at tunay na mga kaibigan.
- Sa mga biyayang natamo ng aming pamilya.
- Sa paggabay sa mga suliranin na dumating sa buhay.
- Sa hindi pagkakasakit at pagkakaroon ng maayos na kalusugan.
- Sa pagkakaroon ng maayos na trabaho.
- Sa pagtitiwala sa akin ng mga taong nakapalibot sa akin.
- Sa pagmamahal na natamo ko sa pamilya at mga kaibigan.
Sa lahat maraming maraming salamat sa pagsubaybay nyo sa blog ko. Sana dumami pa kayo at maging kaibigan ko.
HAPPY NEW YEAR and HAVE A WONDERFUL LIFE AND FULL OF BLESSINGS this year 2011
Tuesday, December 14, 2010
Nawala...at...Nagbabalik....
Mahigit 5 buwan ng huli kong post dito sa akin blog.
---------
Nagbalik ako at ang una ko pang post ay tungkol sa acquittal ni Hubert Webb at mga kasamahan nya na naakusahan sa pagpatay sa mag-iinang Vizconde. Naawa lang ako sa isang amang naulila na magsisimula na naman sa umpisa na maghahanap ng katarungan para sa kanyang nasawing pamilya. Sino nga ba ang pumatay? Sino ang may sala?
---------
Bakit nga ba ako tumigil sa pagsulat sa aking blog? Ako'y ay dumaan sa isang problema na hindi ko kinayang i-handle kaya dumanas ako ng tinatawag nilang "mixed depressive with anxiety disorder." Hindi ko na sasabihin kung ano ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nagkaganun. Sa tingin ko ay na ipon na lang lahat ang mga isipin ko kaya humantong ako sa ganung yugto ng aking buhay.
Ano nga ba ang mga sintomas kung ikaw ay may "mixed depressive with anxiety disorder?"
In addition to the primary symptoms of irrational and excessive fear and worry, other common emotional symptoms of anxiety include:
|
|
Common physical symptoms of anxiety include:
|
|
I sought for a professional help sa isang psychiatrist and her name is Dra. Anna Marie Cruz. last August 21, 2010. Hindi ako nahiyang pumunta sa kanya kasi alam ko naman wala akong malalang tama sa utak at yun din naman ang sinabi nya sa akin. Isang mahabang pag-uusap ang naganap sa una naming pagtatagpo. Alam ko ang prosesong iyon ay mahalaga upang malaman nya ang aking pinagdaraan. Binigyan nya ang ng gamot upang manumbali kang aking lakas at mag-increase ang aking seretonin level. Mahigit 6 na buwan kong iinumin ang gamot na iyon at nagpatuloy pa rin ang aming session.
Dati every week akong pumupunta sa kanya, naging once a month at yung huli ay makalipas ng dalawang buwan yun ay noong nakaraang sabado. Ang sabi nya sa akin pwede nya daw akong pawalawan malaki na daw ang improvement ko sa akin panananaw sa buhay kumpara nung una namin pagkikita. Ang susunod na namin kita ay sa February 12, 2011 at panibagong routine na naman ng pag-inom ko ng gamot. HIndi ko pwede basta i-withdraw ng mabilisan ang gamot na iniinom ko kasi may biglaang side effects din ito.
---------
At ngayon ako'y nagbabalik ng maayos at masaya ang buhay. Ang buhay ko ngayon simple pa rin. Once in awhile pumupunta sa gym (pero ngayon tigil muna for one week kasi i had a minor operation), lumalabas kamasa ang mga kaibigan, at katatapos lang ng klase ko sa UP.
Umaasa ako na magiging prodaktibo muli ang aking buhay at magbahagi sa inyo ng mga makabuluhang bagay. Hanggang sa muli! =)
Subscribe to:
Posts (Atom)