nuffnang

Sunday, February 16, 2014

Blog Blog Blog

Musta mga kablog? Long time no write ako dito sa pnahina ko ah, masyado ata akong naging overwhelmed sa mga pangyayaring nangyari sa buhay ko dito sa bayan ni Merli. Maraming nagbago syempre dumami ang kaibigan maraming activities kaya itong munti kong pahina nakalimutan ko na.

Pero promise ngayon taon sisipagan ko na.hehehe... Musta ang balentyns nyo? Naging maiinit ba o malamig na ngayon? Ako semi! hahaha... :)

O paano ba yan sa susunod uli. Promise magsusulat na ako madalas. 

Tuesday, January 1, 2013

Best of 2012 and Hello 2013

Salamat sa taong nagdaan (2012) para sa mga magagandang nangyari sa akin. Sa mga bagay na hindi magandang nangyari salamat din sapagkat natuto ako sa mga bagay na yun.

Pero isasahin ko mga natatanging kagananapan na nanganap sa buhay ko nitong nakaraang 2012.


  • Napermanente ako sa trabaho at isa ito sa maagang pabirthday! At dahil dyan salamat po Lord sa dagdag pangkabuhayan showcase.
  • Bumisita si Ate dito sa bayan ni Merli at nagpunta kami ng KL bago sya bumalik ng Dubai.
  • Solong pumunta sa Phuket upang ipagdiwang ang aking kaarawan.
  • Bintan, Indonesia para ipagdiwang ang muli kaarawan kasama ang mga kaibigan ko na nagdiwang din ng kanila kaarawan.
  • Umuwi ng Pinas para makita ang aking ama na hindi ko nakita sa loob ng 2 taon.
  • Mga bagong inaanak.
  • Palawan trip na hanggang ngayon hindi ko pa napost ang pictures.
  • Pagdalaw ni Anie sa Singapore bago pumunta ng Dubai.
  • Bagong himlayan para kay Mama, Tatay at Nanay
  • Ang makatulong sa ibang tao at maishare ang biyayang natanggap.

At sa bagong taon na 2013 dalangin ko ang isang masaganang taon para sa akin at sa aking pamilya upang maipagpatuloy ko ang aking mga nasimulan. Nawa'y maging matatag pa lalo ako sa mga pagsubok na aking kakaharapin. 

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat!

Wednesday, October 3, 2012

Ramdom Tots

Sa Trabaho

Umaatake na naman si Kuya sa trabaho kanina. Hindi ko na naman mawarian kung ano ang gusto nya. Sala sa init sa lamig ang gusto nyang mangyari sa mga requests na dumadating sa amin. Dati okay lang na wala, ngayon hinahanap na nya. Ano ba talaga kuya? Nakakainit ka ng dugo.


Sa Bahay

May bago kaming housemates mag-tatay. Si tatay 17 years na dito sa bayan ni Merli si anak naman bago lang at medtech ang trabaho. Ang tinamaan na magaling kong karoommate iniintriga si anak dahil mukhang diwata daw ito.


Sa Pag-aaral

Tapos na ang sem may social life na uli ako sana. :)


Sa puso

uuuuyyyyy.....abangan...

Sunday, September 16, 2012

Buhay Estupidyante

Haaayyyy....mahaba talagang haaaayyyy... 

Two weeks wala akong social life. At busy lang sa pagsagot ng exams, quiz at assignments na dapat tapusin hanggang October 3. Hindi makakasulyap sa F1 at ibig sabihin wala ding chance para mapanood ang Maroon 5. Duguang utak na naman magaganap e ke liit na nga.

Pero naka-oo nga pala ako sa mga kagrupo ko na sasama ako sa kanila sa inuman sa Biyernes nakakahiya naman kasing tumanggi minsan lang pati nila ako yayayain tatanggi pa. Puslit na lang ako ng maaga ang importante tumupad ako sa binitiwan kong "OO".  Hala mali "sure" pala ang sinabi ko hindi nga pala Pinoy ang kausap ko nun.hehehe...

O sya na next time na lang uli nai-singit ko lang ang pagsulat dito baka kasi amagin na naman. Hanggang sa muli aking blog. :)

Sunday, August 19, 2012

Wala Lang

Gusto kong magblog pero hindi ko alam kung ano ang gusto kong isulat. 

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko dito sa Pinas naka higa, nagising ako sa ingay ng boses ng kaibigan ng tatay ko na puro mura ang lumalabas sa bibig. Naririnig ang ingay nga mga sasakyang nagdadaan. Ang kapitbahay namin na umagang-umaga na bumibirit ng "Ikaw" sa kanilang pinapaarkilang videoke. 

Iniisip ko pa kung anong pwede kong gawin maghapon. Binabalak ko sanang pumunta sa Maynila upang maglibot dahil tiyak hindi matutuloy ang lakad namin ng tatay ko dahil sa lasing na sya. Umagang-umaga ang tumutungga ng serbesa. 

Meron pa akong 7 araw bago ko bumalik sa bayan ni Merli.

Biruin nyo may naisulat din pala ako.

Sunday, July 29, 2012

1.25

Gusto ko lang ishare sa inyo yung videos na isa sa naging dahilan upang makakuha ako ng mataas na marka noong nakaraang sem. Sa mga hindi nakakaalam estupidyante kasi ako ngayon habang nagtatrabaho. ;)

Para sa aking video na "Lucky Plaza" starring dito si Millionmonks. Panoorin natin ang kanya mga hinaing sa buhay.hehehe... Parang tanga lang ako sa interview. Ito yung unedited version.






Para naman sa "Blogger at Young Pinoy Professional" kong topic kulitan interbyu kanila Bulakbol at Feeblemind.




Monday, July 9, 2012

29

Tiyak madami na kayong nababasa na ganitong tema ng sulatin, yung mga tipong "ten things (o kahit ilan pa yun) you should know about me". Ngayon ako naman ang gagawa nang may maisulat naman ako. Nagawa ako na din naman dati yung slumbook blog ko dagdagan ko lang ngayon. :)

Tiyak sakit sa ulo nito upang mapagtagumpayan ko ang dalawapu't siyam.

29. Ayoko ng amoy ng sigarilyo kasi madalas akong mabahing o sipunin kapag naaamoy ko 'to. So ibig sabihin nun smoker ako. Sensya na sa mga smoker kong friend. ;)

28. Ayoko ng masyadong maingay kasi madali akong mairita.

27. Praning akong tao. Madali akong mag-panic kahit alam ko naman na hindi dapat. Baliw lang?

26. Isa akong torpe. Ang sabi ng mga kaibigan kong nakakakilala ng lubos sa akin mataas lang ang standards ko. Pero ang totoo nyan wala akong pang date.hahaha...

25. Kung sa tingin nyo na suplado ako, hindi yun totoo. Isa lang po akong mapagkumbabang tao. Mahiyain lang po ako.

24. Payat man akong tao pero malaki ang .... ko. Fill in the blanks na lang. ;)

23. Dati akong 50kgs ngayon 67kgs na ako.

22. Nag ggym ako pero hindi tuloy tuloy mga 2yrs na. Pero feeling ko mabagal ang development.

21. Umiihi pa ako sa kama hanggang age of 12. Ngayon...hmmmm...censored...

20. Natuto akong magluto simula ng mapunta ako dito sa bayan ni Merli. Salamat sa mga recipe online.

19. Paborito kong ulam ay yung may gata, baka napupurga na ang kasama ki sa bahay sa mga niluluto ko. Pati alamang basta wag lang gaanong maanghang.

18. Gusto ko sa pagkain masarsa at masabaw. Kaya siguro sabaw na rin utak ko.hahaha..

17. Hindi ako mahilig sa chocs kahit anong sobrang tamis, kumain man ako may katabi na ako agad na maligamgam na tubig para mainom. Mahirap ng magka-tonsilitis nilalagnat ako.

16. Mahilig akong manood ng TV series. (grey's anatomy, true blood, etc)

15. Ako ay isang gwapong nerd. (ang umangal may sapok)

14. Paborito kong subject simula grade school to college ay math basta may computations love ko at boploks ako sa english.

13. Mahilig akong kumanta. Madalas akong sing and dance sa umaga habang naliligo to start my day right.

12. Hindi ako marunong lumangoy kaya takot ako kapag nakasakay ako sa bangka at maalon. Pero narerelax ako kapag nagpupunta ako sa beach.

11. Hindi ako mapormang tao yung tipong tama lang yung presentable naman tingnan. Wag lang hubo.hehehe

10. Mas komportable ako kung boxers at sando lang ang suot ko sa bahay at kapag matutulog na ako. Boxers o brief? Boxer briefs kapag may pasok sa trabaho o lalabas ng bahay, boxers kapag nasa bahay at matutulog na.

9. Mahaba ang pasensya ko pero kapag nasagad pasensyahan na lang. Tapang db?

8. Takot ako sa karayom kaya kapag nagpapablood test ako o injection hindi ko tinitingnan.

7. Takot ako sa kuting kaya kapag nanganak ang pusa namin at nakita kong nakakalat ang kuting nya sa ibabaw ng sala seat ako naglalakad.

6. Kuripot ako yun ang totoo. Mahirap lang walang madukot kapag biglang kailanganin.

5. Korny daw ako pero may mga pronsipyo lang ako na sadyang iba sa karamihan.

4. Mapagbigay akong tao lalo na kapag sa mahalagang bagay gagamitin.

3. 14 years of my life Mama's boy ako.

2. Natuto akong maging responsable at pahalagahan ang buhay sa murang edad na kinse.

1. 29 na ako :)

Happy birthday to me, happy birthday to me, happy birthday happy birthday!!!(top of my lungs) Happy birthday to me!!!

Salamat Lord for the past wonderful 28 years of my life and more years to come. Maraming salamat po sa mga blessings at sa maagang pa-bday. :)

Sa mga bumati ng advance maraming salamat.