nuffnang

Friday, October 7, 2011

Nagbabalik

Matagal-tagal na din pala akong hindi nagsusulat dito sa blog ko. Kinukulit na nga ako ng dalawa kong malapit na kaibigan at masugid na taga-subaybay na buhayin ko naman daw ang  natutulog kong puso este blog pala. Kaya heto naisipan ko na muling magsulat ng walang kakwentang kwentang bagay.

 
Halos 3 buwan na din simula nung magsimula ako sa bago kong trabaho dito sa bayan ni Merli. Dito sa nilipatan kong trabaho mas madaming tao at syempre madami ding pakikibagayan. Sa loob loob ko mas ok na yun kesa naman mapanisan ako ng laway.

Busy busyhan ang drama ko nung nagsimula ako sa trabaho ko. paBibo epek lang para naman malaman ng boss kong tumanggap sa akin na dedicated ako sa trabaho ko at hindi sya nagkamali ng sa pagkuha sa akin. Gusto kong maging permanent sa trabaho ko at kahit may topak ang nagtuturo sa akin sa trabaho.

Sa pananahimik ko din sa mundo ng blog madami din nangyari sa buhay ko at blessings na dumating.

Promote lang, excited na ako sa kris kringle ng mga PInoy-SG bloggers dito sa SG syempre. Binuhay ko ang blog ko baka hindi nila ako isali kasi matagal na nahimlay ang blog ko.hehehe…

Sa mga bumibisita sa blog ko, salamat. Sya nga pala wala ng part 2 yung instagram pics ko. ;)

8 comments:

  1. saints, kainaman ka. di ka nagpaparamdam. ano nangyari sayo? di naman stressed tulad ng dati?

    ngaps, mukhang egsayted ka isulat tong pagbabalik mo sa blog. madaming di ako maintindihan na salita. lol. sorry naman.

    Kinukulit na nga ako ng dalawa akong malapit na kaibigan

    Dito sa nilapatan ko trabaho

    syempre madami ding pakikibayan


    lol. edi ako na nagemumerate. wala lang. haha. piz naman!

    ReplyDelete
  2. hahaha...excited nga ako.hahaha...salamat sa pag-tama. tagalog na nga mali pa.kung hindi kulang labis.pasensya.lol

    hindi naman ok lang ako. salamat!

    ReplyDelete
  3. Oonga, matagal kang nawala. Natakot ka ata masyado sa 'min nung nagpapalibre kami nung birthday mo kasi dun ka nagsimulang hindi magparamdam.

    ReplyDelete
  4. hindi naman po pangulo. nagpakita kaya ako sa inyo bago umalis si mrchan. pagpasensyahan nyo na po ang aking pagliban sa mga pagpupulong.:)

    may inuman pa sa kris kringle?lol

    ReplyDelete
  5. Nung umalis si chan-chan, antagal na nun santino! nagpurikura pa tau!! hehe :))

    ...at kelan na ba ang kris kringle na ito?

    - jaki

    ReplyDelete
  6. malapit na ang kris kringle ninyo ... heheheh.

    ReplyDelete
  7. oo nga tagal mo ng di nagblog. tatanggalin ka ni presidente nyan- joke.peace!

    keep on writing! see you in our kris kringle.

    ReplyDelete
  8. @jake - oo nga matagal na din.hehehe...set na 30 na lng para kumpleto kasi si leona may pasok hanggang 10pm ng 29.

    @khanto - uy sensya na hnd kita na meet dito sa bayan ni merli

    @che - oo ga natakot ako baka hnd ako isali sa kris kringle kaya nagsulat ako. baka tanggalin ako sa listahan.hehehe

    see you guys sa kris kringle. :)

    ReplyDelete