nuffnang

Saturday, June 12, 2010

Mabuhay ang Pilipinas

Sa ating pagdiriwang ng ating ika-112 taon ng kasarinlan kami ng aking mga kasama sa bahay sa nakiisa din sa pagdiriwang ng okasyon. Sa quirino grandstand sa luneta kung saan gumastos ang gobyerno ng mahigit kumulang ng 10milyon para sa pagdiriwang ng ating kalayaan doon kami pumunta upang makiisa at manood ng mga palabas na tumutukoy sa ating pagka-Pilipino.


Doon ay nagpamalas ng iba't ibang katutubong sayaw ang ating mga kababayan  mula sa iba't-iba tribu ng bansa mula Apari hanggang Jolo. Hindi lamang iyon kundi ang mga kanilang kasoutan ay ipinamalas din at may kasama pang kasaysayan at kahulugan ang bawat isa. Bukod sa libre palabas ay very informative pa ang mga ito kaya naman para akong bata na nagbalik sa elementary at nag-aaral muli ng sibika at kultura. 

At syempre ang pinakahihintay ng lahat ang fire works display na nagpaningning sa kalangitan kasabay ng pahimig ng Ako'y Pilipino. 


Ang bawat miyembro ng hukbong sandatahan ng pilipinas (i.e. marines, airforce, etc.) ay nagkaroon ng isang mini-exhibit at ipinamalas ang kanila ginagamit mula sa pandigma at pag sagip sa tuwing may mga kalamidad. 

Payatot with the Marine Gear

Pucha ang bigat nito..Sige kaya ko 'to...Putukan na...

With the members of the Philippine Airforce
Pucha haggard na at pawisan pero gwapo pa rin...hahaha...wag ng kokontra nagbabasa ka lang...peace

Sa totoo lang first time kong makapag-celebrate ng Independence Day sa Luneta ang dami mo palang matututunan kung makikiisa ka lang sa mga programang ihihanda ng ating gobyerno. Pero sa pagtatapos ko sa blog na ito may katanungan lang akong iiwan sa inyo. Kelan ba natin masasabi na taas noo tayo bilang isang Pilipino? Proud ka ba bilang isang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa? Proud ka lang ba kapag nananalo si Pacquio sa boksing o Proud ka pa rin bilang Pilipino dahil isa ang Pilipinas sa mga kurakot na bansa? Tayo lang sa ating sarili ang makakasagot nyan. 

Mabuhay ang Pilipinas!!! At Taas Noo Ako Bilang Isang Pilipino!!!

1 comment: