nuffnang

Showing posts with label history. Show all posts
Showing posts with label history. Show all posts

Wednesday, January 26, 2011

Babalikan Kita

Habang nasa Cebu kami sinandya na talaga namin pumunta ng Bohol. Sasakay ka lng ng Supercat sa pier at magbabayad ng roundtrip fare na 800+ makakapunta ka na ng Bohol at pabalik ng Cebu.At ang haba ng biyahe ay 1 oras at 45 minuto.

Pagdating namin sa Pier ng  Tagbilaran nag-aantay na sa amin ang service na aming inarkila at ito ay nagkakahalaga ng P2,500 para sa isang buong araw na paglalakbay.

Dahil sa late na kaming nakarating ng Bohol limited lang ang aming oras para mapuntahan pa ang mga magagandang lokasyon na dapat puntahan sa magandang probinsya.

Group Photo-op at Blood Compact Shrine

 Blood Compact with Datu Sikatuna and Miguel Lopez de Legazpi

One of the Oldest Church in the Philippines The Baclayon Church

 Face of whom?

 One of the World's Endangered Primates

 Sino mas cute? :)

 Getting ready for lunch

 Eat All You Can

Showing my skills in dancing tinikling. ;)
Me with the Kisses

 Chocolate Hills

Man Made Forest of Bohol
 Since 1950's. It helps the Loboc River not to overflow.
 Sobrang ganda sa Bohol ninanais kong muling magbalik doon at tumagal pa ng ilang araw. Maipagmamalaki talaga ng mga Boholanos ang kanilang lugar sapagkat hindi lang sa angking ganda nito ay sobrang linis pa.



Saturday, June 12, 2010

Mabuhay ang Pilipinas

Sa ating pagdiriwang ng ating ika-112 taon ng kasarinlan kami ng aking mga kasama sa bahay sa nakiisa din sa pagdiriwang ng okasyon. Sa quirino grandstand sa luneta kung saan gumastos ang gobyerno ng mahigit kumulang ng 10milyon para sa pagdiriwang ng ating kalayaan doon kami pumunta upang makiisa at manood ng mga palabas na tumutukoy sa ating pagka-Pilipino.


Doon ay nagpamalas ng iba't ibang katutubong sayaw ang ating mga kababayan  mula sa iba't-iba tribu ng bansa mula Apari hanggang Jolo. Hindi lamang iyon kundi ang mga kanilang kasoutan ay ipinamalas din at may kasama pang kasaysayan at kahulugan ang bawat isa. Bukod sa libre palabas ay very informative pa ang mga ito kaya naman para akong bata na nagbalik sa elementary at nag-aaral muli ng sibika at kultura. 

At syempre ang pinakahihintay ng lahat ang fire works display na nagpaningning sa kalangitan kasabay ng pahimig ng Ako'y Pilipino. 


Ang bawat miyembro ng hukbong sandatahan ng pilipinas (i.e. marines, airforce, etc.) ay nagkaroon ng isang mini-exhibit at ipinamalas ang kanila ginagamit mula sa pandigma at pag sagip sa tuwing may mga kalamidad. 

Payatot with the Marine Gear

Pucha ang bigat nito..Sige kaya ko 'to...Putukan na...

With the members of the Philippine Airforce
Pucha haggard na at pawisan pero gwapo pa rin...hahaha...wag ng kokontra nagbabasa ka lang...peace

Sa totoo lang first time kong makapag-celebrate ng Independence Day sa Luneta ang dami mo palang matututunan kung makikiisa ka lang sa mga programang ihihanda ng ating gobyerno. Pero sa pagtatapos ko sa blog na ito may katanungan lang akong iiwan sa inyo. Kelan ba natin masasabi na taas noo tayo bilang isang Pilipino? Proud ka ba bilang isang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa? Proud ka lang ba kapag nananalo si Pacquio sa boksing o Proud ka pa rin bilang Pilipino dahil isa ang Pilipinas sa mga kurakot na bansa? Tayo lang sa ating sarili ang makakasagot nyan. 

Mabuhay ang Pilipinas!!! At Taas Noo Ako Bilang Isang Pilipino!!!