nuffnang

Sunday, May 22, 2011

Struggle sa Biyahe

Hindi ako akalain na sobrang pagod pa rin ang dadanasin ko kahit maayos ang transportasyon dito sa bayan ni Merli. Kailangang ala-sais ng umaga e gising na ako upang mag-ayos at makarating sa trabaho sa takdang oras. Ito ang ruta ko papunta sa trabaho.
  • Sumakay ng bus papunta MRT station halos 10min ang biyahe
  • Sumakay ng tren papuntang Joo Koon at bumaba ng Paya Lebar (Berdeng Linya ng MRT dito)
  • Sasakay muli ng tren patungong Mac Pherson at bumaba ng Bishan (Dilaw na linya naman ng MRT)
  • Sasakay uli ng tren sa pangatlong pagkakataon patungong Jurong East at bababa sa Sembawang (Pulang linya ng MRT)
  • Maglalakad ng 222 meters upang sumakay ng bus patungong trabaho.
  • Bumaba sa bus stop kung saan kailangan kong maglakad ng 500m upang makarating ang aking patutunguhan.
Kung susumahin ang lahat, umaabot ng isang oras at kahalati ang travel time ko papunta at pauwi. Sobrang pagod ang pag-uwi galing trabaho. Bago palang mag-alas diyes ng gabi ay tulog na ako upang makapag pahinga. 

Maraming sumagap sa isip ko kung anong dapat gawin upang maibsan ang kahirapan na aking nararansan. Kumausap ng kaibigan at humingi ng payo kung anong maiging gawin upang mapadali ang paglalakbay ko.

Basta nakakapagod ito. Hindi ko pa alam ngayon kung ano ang gagawin. Basta ang nangyayari sa akin ngayon dito sa bayan ni Merli ay may dahilan. Hindi pa malinaw pero lilinaw din ito sa takdang panahon. 

Wednesday, May 4, 2011

Isang Buwan

Sadyang napakabilis ng panahon, biruin nyo nga naman naka-isang buwan na pala ang payatot dito sa bayan ni Merli. Isang buwan ng umaatikabong bakbakan at pakikipagsapalaran sa buhay (yown o aksyon star).

Gaya ng karamihan isa lang ang pakay ko sa pagpunta dito, ang makapaghanap ng maayos na trabaho at sweldo. Kahit malayo sa pamilya titiisin na lang makatulong lang sa kanila. (emo mode!)

At malapit na ito malapit na malapit na...Konting hinga na lang at mapapasaakin ka na. :) 

Salamat na lang din sa mga kaibigan at bagong kaibigan na tumutulong sa akin para mapagtagumpayan ako sa balak ko dito.

Sya nga pala i had my first haircut dito sa bayan ni Merli.