Mahigit 5 buwan ng huli kong post dito sa akin blog.
---------
Nagbalik ako at ang una ko pang post ay tungkol sa acquittal ni Hubert Webb at mga kasamahan nya na naakusahan sa pagpatay sa mag-iinang Vizconde. Naawa lang ako sa isang amang naulila na magsisimula na naman sa umpisa na maghahanap ng katarungan para sa kanyang nasawing pamilya. Sino nga ba ang pumatay? Sino ang may sala?
---------
Bakit nga ba ako tumigil sa pagsulat sa aking blog? Ako'y ay dumaan sa isang problema na hindi ko kinayang i-handle kaya dumanas ako ng tinatawag nilang "mixed depressive with anxiety disorder." Hindi ko na sasabihin kung ano ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nagkaganun. Sa tingin ko ay na ipon na lang lahat ang mga isipin ko kaya humantong ako sa ganung yugto ng aking buhay.
Ano nga ba ang mga sintomas kung ikaw ay may "mixed depressive with anxiety disorder?"
In addition to the primary symptoms of irrational and excessive fear and worry, other common emotional symptoms of anxiety include:
|
|
Common physical symptoms of anxiety include:
|
|
I sought for a professional help sa isang psychiatrist and her name is Dra. Anna Marie Cruz. last August 21, 2010. Hindi ako nahiyang pumunta sa kanya kasi alam ko naman wala akong malalang tama sa utak at yun din naman ang sinabi nya sa akin. Isang mahabang pag-uusap ang naganap sa una naming pagtatagpo. Alam ko ang prosesong iyon ay mahalaga upang malaman nya ang aking pinagdaraan. Binigyan nya ang ng gamot upang manumbali kang aking lakas at mag-increase ang aking seretonin level. Mahigit 6 na buwan kong iinumin ang gamot na iyon at nagpatuloy pa rin ang aming session.
Dati every week akong pumupunta sa kanya, naging once a month at yung huli ay makalipas ng dalawang buwan yun ay noong nakaraang sabado. Ang sabi nya sa akin pwede nya daw akong pawalawan malaki na daw ang improvement ko sa akin panananaw sa buhay kumpara nung una namin pagkikita. Ang susunod na namin kita ay sa February 12, 2011 at panibagong routine na naman ng pag-inom ko ng gamot. HIndi ko pwede basta i-withdraw ng mabilisan ang gamot na iniinom ko kasi may biglaang side effects din ito.
---------
At ngayon ako'y nagbabalik ng maayos at masaya ang buhay. Ang buhay ko ngayon simple pa rin. Once in awhile pumupunta sa gym (pero ngayon tigil muna for one week kasi i had a minor operation), lumalabas kamasa ang mga kaibigan, at katatapos lang ng klase ko sa UP.
Umaasa ako na magiging prodaktibo muli ang aking buhay at magbahagi sa inyo ng mga makabuluhang bagay. Hanggang sa muli! =)
maligayang pagbabalik payatot. sa tingin ko ay okay ka na, dahil nagkwekwento ka na ulet sa iyong blog.
ReplyDeleteMuch better bulakbolero! Salamat! =)
ReplyDelete