Thursday, March 31, 2011

Cleared!

Hindi ko alam kung dapat ko pang i-blog ito. Pero ok lang naumpisahan ko na. At may mai-dagdag na entry. At gusto kong magsulat e. =)

Finally, I'm off the list with the Immigration. Pwede na akong lumabas ng Pilipinas at pumunta saan ko man gustuhin. (kung may pera akong pamasahe! ;) )

Hindi ko pa malalaman na kailangan kong mag-secure ng clearance from the DOST-SEI kung hindi pa ako aalis noong tuesday for abroad. Kaya yun hindi ako naka-alis takbo ako agad sa DOST-SEI office sa taguig at maigi na lang dala ko lahat ng requirements.

But now I'm cleared totally. 


Lifting Order from the Bureau of Immigration

Pero kahit tinanggal nila ang pangalan ko sa watch list masama pa rin ang loob ko. Tatanggalin lang ang pangalan may bayad pa. Gaya ng tanong ko si Sen. Lacson kaya nagbayad din para tanggalin ang pangalan nya sa watch list?

Tuesday, March 29, 2011

PNR Mapanganib Ka

Akala ko masayang sumakay sayo noong umpisa dahil akala ko safe ako  habang ako'y lulan papunta sa destinasyon na gusto kong puntahan. Ngunit sa ikalawang pagkakataong ako'y sumakay sa'yo nabago ang pagtingin ko sayo. Dahil napag-isip-isip ko na hindi pala ako ligtas sa'yo at hindi pati mga taong sumasakay sa'yo.

Ito ang aking mga dahilan kung bakit hindi ligtas ang sumakay ng PNR:
  • Ang sumakay dito ay hindi man lang iniimpeksyon ng gwardiya kung ito'y may dalang patalim o bomba.
  • Kahit sino ay pwedeng sumakay kahit walang ticket sapagkat may ibang mga istasyon na pwede kang magpalipat-lipat at tumawid sa kabilang riles.
  • Dahil sa hindi pag-iimpeksyon nga mga gwardiyang nakatalaga maaaring itong maging isang target ng terorista kung ito'y naisip nila.
  • At kung kampante ka pa sa iyong pagsakay at hindi alisto marahil hindi mo namamalayan na nadudukutan ka na pala.
  • Sa tingin ko kahit lango sa droga at alak ay pwedeng makasakay dito.

Marahil mapapabilis ang pagpunta natin sa isang lugar lalo na kung ang pupuntahan natin ay madadaan ng tren ng PNR. Ngunit kung seguridad mo naman ang nakataya nais mo na lamang ang sumakay sa mahabang ruta ang tatahakin basta alam mong ligtas ka sa panganib. Pero sa panahon ngayon hindi mo na rin alam kung kelan darating ang panganib sa buhay mo. Sabi nga nga kaibigan ko "patay kung patay" at nang nakakarami "kung oras mo oras mo na" malas mo nga lang ikaw na natapatan.

Ingat na lang mga katropa. =)


Kaya pala naisulat ko ito dahil may hindi magandang nangyari sa aking pagsakay sa PNR kahapon ng umaga.

Marathon

Dahil sa pahinga muna ako sa trabaho at wala akong magawa sa bahay kung hindi matulog, kumain at magpalaki ng ..... Minarapat ko na lng panoorin ang mga pelikula at TV series na hindi ko pa napapanood.

Sa loob ng dalawang lingo natapos ko na ang mga sumusunod:
  • Prequel episodes ng Spartacus: Gods of the Arena
  • Californication Seasons 1 and 2
  • Grey's Anatomy Season 7 episodes 1-10 (11-15 under download)
  • V Season 1 episode 1-12
  • White Collar Season 1
  • Cop Out
  • 127 hours
  • A Nightmare on Elm Street
  • Alpha and Omega
  • Charlie St. Cloud
  • Eat Pray Love

Hanggat wala pa rin akong bagong trabahong tatahakin patuloy ko pa rin gagawin ang mga yan. At trying to be fit and healthy at the same time. ; )

Saturday, March 26, 2011

Let's Support The Earth Hour


We can make a difference.
Let us show our to support
to save our home, our planet, our Earth.

Tonight 8:30-9:30
Please to turn the lights off.




Monday, March 14, 2011

Saturday, March 12, 2011

Anawangin... Alanganin...

Nakasanayan na naming magkakaibigan na kada summer e dapat may bagong beach kaming pupuntahan na bago sa aming paningin. At dahil sa inaasahang pagkakataon na isa aming kaibigan ay aalis patungo sa ibang bansa ay pinaaga namin ito.

Naka-schedule na aming pagpunta sa aming destinasyon kanina dapat ala-1 ng madaling araw sabado, marso 12. Sa hindi inaasahang pagkakataon e biglang bumungad sa amin ang balitang nagka-tsunami ang sa Japan dakong alas-2 ng hapon, Marso 11.


Pero noong una ay mukhang hindi patitinag ang mtitigas na mukha ng mga kaibigan ko at tuloy pa rin daw kami.

Ito pa ang mga pamatay na bawat:

"natatakot ka ba?yung totoo?ayaw mu na ba tumuloy?kc c jen natatakot na...dapat ang motto..."patay kung patay"...hahaha"

"Hahaha ndi nmn.. Keri nmn nten dba? Asan ba un iba?"

Meron din naman natakot pero may kasamang tawa pa,

"wag n nga tau muna pumunta anawangin.. ntkot din ako... hahahah... ngaun q lng nalaman kc kakausap ko lng din c harold sa celpon.. panu anu na???? hahahaha!!!"

"Huo hwag n lng nga.. Ayusin n lng nten next week un anawangin.. Lecheng tsunami yan.. Nakausap q c harold ayaw nya tumuloy at ayaw nya na umabsent.."

At ito ang pinakamatinding banat sa lahat,

"gusto patayin ni harold ang tsunami!!!! hahaha gow"

Nang dahil sa tsunami hindi kami natuloy mahirap na kahit wala sa pacific coast ang pupuntahan namin maige na yung nakakasiguro. Pero sa susunod sa sabado hindi na talaga papaawat ang mga kaibigan ko may magdadala n nga ng comforter e. Sana hindi na maging ALANGANIN ang pagpunta namin sa ANAWANGIN.


Monday, March 7, 2011

We Love You Mama

My father called her Diding,
Her siblings called her Gold,
My nieces and nephews (sa cousins) called her Mama Gold,
For her friends she was Glo,

But for US. . .MAMA.

(wala akong scanner kaya via cam phone na lng)

We miss you so much! We love you! =)

Friday, March 4, 2011

Last Day...

Sa aking pagtatrabaho sa Automomobile Association of the Philippines bilang Database Specialist sideline I.T. sa loob ng 2 taon madami akong natutunan. Maraming nakilalang tao at bawat isa sa kanila ay natutunan ako. 

Maraming salamat sa aking mga katrabaho dahil masaya ang aking panahon na aking nailagak sa AAP na kasama kayo. Sa bawat saya at lungkot ay kahit papano madadala ko saan man ako magpunta.

Salamat din dahil sa AAP dahil binigyan nila ako ng pagkakataon na ipamalas sa kanila ang aking kakayanan bilang isang empleyado. At dito rin nahubog ang aking pagkatao bilang isang trabahador sa pangalawang pagkakataon.

Summer Outing 2009