April 11
Nai-blog ko ata (hindi sure?lol...memory lapsed minsan) ang tungkol sa unang linggo ko dito sa bansa kung nasan si Merli...Nag tigil buong mag-hapon at nakatanggap ang ng paanyaya mula kay bulakbolerosasg ng kita-kita ng mga Pinoy bloggers dito sa Singapore sa darating na Huwebes. At sa kadahilanang hindi ko na makayanan ang bagot dito sa bahay na tinitigilan ko naisipan kong mag-gym para magkalaman naman ang buto ko.
April 12
Dating gawi nasa bahay lang ako at bilang naghahanap ng trabaho dito nag-email na naman ang ng sandamakmak na cover letter at resume ko. AT pagkatapos naglaba at nag-grocery nang pagkain ko dito na hanggang ngayon e hindi ko pa nakakain ang iba.
April 13
Spell B - O - R - E - D
April 14
Dumating ang araw na pagkikita ng mga Pinoy Bloggers dito sa Singapore and lokasyon sa Ikea Tampines. Ang pagpunta ko dun mrt green line, yellow line, purple line. Kasama si bulakbolero at sam nag-aantay ng bus at pagkalipas ng halos trenta minutos nakasakay din kami at ang dapat na sampung minuto na pagpunta dun mula sa sengkang ay inabot kami halos isang oras at nakatayo lang kami sakit sa binti nun. Pero ok lang kasi nakilala ko ang mga taong ito...
April 15
Nakatanggap ng tawag mula sa agency para sa oryentasyon na gaganapin bukas para sa interbyu sa lunes. Hindi umalis maghapon pero gabi naman gumala. Nang dahil sa kulitan sa twitter nagkayayaan na mag-inom. At umuwi sa bahay ng bandang alas-dos ng madaling araw April 16. :) Salamat sa serbesa at pulutan at sa taxi...Sa susunod ako taya alam nyo na kung kelan yun. :)
April 16
Gumising ng maaga pero ganun pa rin ang ginagawa. Umalis ng alas-12 para pumunta sa agency at umuwing pagod.
April 17
Linggo ng palaspas at obligasyon ko bilang katoliko ang magsimba bago kung ano pang gawin ko sa araw na iyon. Pagkatapos diretso ako sa Lucky Plaza para makipagkita sa dalawa kong kaibigan para kumain ng tanghalian. At nagulat ako sa aking nakita sa sobrang daming pinoy sa lugar na yun tuwing araw ng linggo. Pagkatapos kumaripas na naman ako papuntang M hotel sa Anson Rd upang manood ng pelikula ni Anne at Luis na "Who's that Girl" at salamat uli kay Gasul sa paanyaya. Pero bago palang nagsisimula ang pelikula e tumawag ang ang kaibigan ako at may naganap na hindi inaasahan. Yun tuloy hindi ko natapos ang palabas bago pa lang ang tumatawa e.
Umuwi uling pagod pero okie lang nakapaglibot uli ang payat. :)
Panibagong linggo muli ang magsisimula para sa pakikipagsapalaran ko dito sa bayan ni Merli. Sana dumating na inaantay ko. ;)